Chapter 9

54 7 1
                                    

Chapter 9




"Pero pa'nong nangyari 'yon? I mean panong nakapunta ka sa wattpad? Is it some sorts of magic, theurgies or what?" Sunod sunod na tanong ni Hannah.




After the acromion happened at the women's comfort room earlier heto ako ngayon at pinapaliwanag sa kaniya ang lahat. Although kahit ako sa sarili ko hindi maintindihan ang mga nangyari sa'kin.




We're now at the back of our building sitting in one of the bench here. Dito lang kasi ang lugar na walang mga tao. Bawal sa cafeteria kasi baka may makarinig pa sa'min. Mahirap na. Grabe pa naman ang bunganga ng babaeng 'to.




"I don't know." Sagot ko sa kaniya.




Ako sa sarili ko hindi rin maintindihan kung paano ako napunta sa mundo ng wattpad.





"But one thing I am only sure about..."





Mabilis kong nakuha ang atensyon niya matapos ang sinabi ko.




"Ano? Pabitin kapa e." Kita sa itsura niya ang inis kaya medyo natawa ako.




Basta talaga tsismis sa babaeng 'to. Tsk.




"Napupunta ako 'don tuwing nasa panganib si Kaiden. At nakakabalik naman ako dito tuwing tinatanong niya ako kung sino ba talaga ako?"





Naputol ang pag-uusap namin nang biglang nagring ang bell.




"Teka papasok ka nang gan'yan suot mo?" Tatayo na sana ako ng matigil ako sa sinabi ni Hannah. Nanlaki ang mata ko ng marealize na suot ko parin pala ngayon ang damit na pinasuot sa'kin ni Kaiden.




Hindi parin ako makapaniwala sa halaga ng damit na'to. Kanina kasi napansin agad ni Hannah na nag-iba ang suot ko. Sinabi niya sa'kin na chanel daw brand nito knowing that brand I know na sobrang mahal nga nito. Kahit naman taong divisoria ako alam ko parin naman ang mga branded names 'no.




"Sige mauna kana, magpapalit muna ako."




Buti nalang lagi akong may extra uniform sa locker ko.




"Ayaw mong samahan kita?"




"Hindi na."




"Okay, sige bilisan mo ha. Si ma'am Amazona prof natin ngayon, alam mo naman kung ga'no ka-strict 'yon."




Umalis na si Hannah kaya agad na akong pumunta sa locker area para kunin ang uniform ko. Mabilis akong nagpunta sa cr matapos kunin ito.




Mabilis ang naging pagkilos ko sa paghuhubad, medyo nahirapan pa ako sa pag unzip ng zipper ng skirt na suot ko dahil nasa likuran ito. Nang finally nahubad ko na ito, inabot ko na ang uniform ko ng hindi tumitingin. Pero hindi ko ito mahawakan so I lift up my head.




Agad na nanlaki ang mata ko nang makita ang taong nasa harap ko na gulat na gulat na nakatingin sa'kin.




I was about to scream but a loud noise of gunshot surprise us both. I felt him suddenly grab my body and we both landed on the floor.




Nakita kong agad na bumaba ang isang metallic wall na sinarhan ang glass window kung saan nanggaling ang pagputok ng baril kanina.




May narinig pa akong mga tunog sa labas pero napahinto ako at nabalik sa ulirat ng marinig ko ang pagtikhim ni Kaiden. Agad akong tumayo ng marealize ang posisyon namin. Well, nakapatong lang naman ako sa kaniya.




I fell In love With A Fictional CharcterWhere stories live. Discover now