Chapter 2

154 13 0
                                    

Chapter 2




Tok! tok! tok!




Napamulat ako ng marinig ang malakas na katok sa pinto ng kwarto ko. Habol ang hininga na parang tumakbo ako ng napakalayo.




Buhay pa ako?




Kinapa-kapa ko ang aking katawan pati narin ang aking tagiliran.



Walang saksak at walang dugo?




Wait, so it means it's all a dream? Pero para talagang totoo, e!




Stop Amiel! It's just a dream! Or should I say a contemptible nightmare that should merely bury.




"Amiel! Anak bumangon kana riyan! Aalis na ako!Bumili na ako ng ulam sa labas para 'di kana magluto. Kumain ka nalang pagkatapos mong maligo." Napabalikwas ako sa aking kama ng marinig ang baritonong boses ni papa.




Aray! Ang sakit ng siko ko! Shit!




"Opo pa!" Sigaw na sagot ko sa kaniya. Pinagdadasal na sana hindi niya narinig ang ingay ng pagkahulog ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi niya nga 'ata narinig. Mabuti nalang talaga.




Napangiwi ako ng maramdaman ang grabeng pagkirot sa siko ko. Naitukod ko nanaman kasi ito ng bumagsak ako sa sahig kanina.




Nakalimutan ko palang gamutin 'to kagabi. Tuloy dumudugo at namamaga na ito ngayon. Bakit ba naman kasi palagi itong nakikipaghalikan sa sahig! Tsk!




Napatingin ako ng oras sa phone ko 4:11 AM na.




Ilang minuto ba akong nakatulog?




Sa pagkakatanda ko 4:10 ng sumulyap ako sa oras kanina bago ako nakatulog.




Isang minuto lang akong naidlip? Ang haba no'ng panaginip ko imposible naman yatang isang minuto lang ang nakalipas?




"Ang gulo!" Napasabunot ako sa buhok. Gulong gulo na ang utak ko.




Ewan! Sumasakit lang lalo ang siko ko. Bahala na nga!




Papasok na ako. Baka malate pa ako.




I quickly got up. Naglakad papunta sa maliit kong banyo.




Matapos ang kalahating oras na pag aayos ay lumabas na ako ng kwarto.




Bumungad sa'kin ang maliit naming kusina na may maliit na mesa sa gitna. Sa gilid nama'y ang sala na may isang set ng sofang halatang napagdaanan na ng panahon dahil sa kalumaan nito.




Wala na si papa. Marahil ay pumunta na s'ya kila Mang Kaloy para kunin ang ilalako niyang taho.




Pagkatapos kong kumain ay nagmadali na akong naglakad at naghintay ng jeep. Nang may dumaan ay mabilis akong nakipag unahang sumakay. Marami rin kasing mga taong papunta sa trabaho at mga estudentyanteng 'tulad ko ang papasok. Mahirap ng maunahan.




Sa gitna sa kaliwang bahagi ako sumakay dahil doon ang may space pa, pwede pang upuan ng dalawang tao. Puno na kasi sa kanan. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi masyadong masikip.




"Oh isa pa! Kasiya pa sa kaliwa! Ikaw boy sakay na-" Pinasak ko sa magkabilang tainga ko ang earphone at nagpatugtog.




"Miss pwede pausog?" Naiangat ko ang ulo ko ng may kumalabit sa'kin. My face crumpled nang makita ang kumalabit sa'kin. Isang matabang lalaki na may hawak na tobleron at Big mac burger sa magkabilang kamay.




I fell In love With A Fictional CharcterWhere stories live. Discover now