Author's note: Hala pasensya na kung di na ako nakakapag ud😭 I need to finish all my art Commission so I can take more Commission before the month end so yun nga. I need to save money before the school break end.
Kung gusto niyo icheck this is my account in Twitter
twitter.com/stephy_chan3d2y/
😊👋 my comms are currently open. feel free to message me if my art style suits your taste😊
Sana supportahan niyo rin ako dun😅🥰
________________________
Kinabukasan maaga akong umalis ng bahay para pumasok. Ayokong makasabay sa paglalakad yung tatlong taong yun. At isa pa gusto ko mapagisa sa loob ng room.
Ayoko mo na maingay, gusto ko muna makapag isip isip ng gagawin ko para makapasa sa subject ni Sir Simoun.
Wala pa pala akong kapartner. Kung nandito lang si Aki baka kami na ang mag kapartner sa Physical science eh kaso pinili niya yung mokong na yun eh.
Naiisip ko tuloy kung anong meron sa taong yun? Wala naman epesyal sa pagkatao niya. Wala nga ring modo eh, kapal pa ng mukha.
"Sean!" Huminto ako sa paglalakad at lumingon. "Ikaw pala yan Zoey? Ano sabay na tayo?" Ngumiti ito at sumabay na sa akin sa pag pasok.
Nag kwentuhan lang kami ng mga ng yari kahapon hanggang sa napunta ang paguusap namin sa reporting.
"Uy, tayo na lang kaya mag partner. Wala pa kasi akong partner eh tsaka ang susungit nung iba nating kaklase. Kala mo magaganda eh."
Sumangayon naman ako sa sinabi niya dahil totoo naman talaga na mga suplada ang mga kaklase namin. Akala mo naman magaganda.
"Kaso baka magalit si Aki."
"Di yan. Meron naman na ata yun ka partner eh. Yung boyfriend niya! Yung mukhang dinosaur." naiinis na sabi ko. "Oh ba't nagalit ka bigla. Selos ka noh hahaha." Sumimangot ako at tumingin sa kaniya.
"Kadiri! Kayo lang naman ang nag kakagusto sa hambog na lalaking yun."
"Uy! Ba't pati ako nadamay. Hahaha."
"Eh kasi ikaw eh!"
Huminto kami sa paglalakad ng makasalubong namin si Aki. Nanlaki ang mga mata nito ng makita kami ni Zoey. Himala di niya kasama ang buntot niya.
"P-pwede ba tayo mag usap?"
"Naguusap na tayo di pa ba halata?" sarkastikong sabi ko rito pero bigla akong siniko ni Zoey.
"S-sean naman... W-wag ka naman ganiyan. Miss na kita eh."
🤮
Nagtinginan mo na kami ni Zoey. Huminga ako ng malalim at tumingin kay Aki na halatang mangingiyak na. Sorry pero ikaw ang may gusto nito.
"Ako rin m-miss na kita. So anong gusto mong pagusapan?" Aray, marupok si ako. Peace ✌️.
"G-gusto kong humingi ng sorry sa naging u-ugali ko nito mga araw. D-di ko naman g-ginusto na i-iwasan ka eh. H-hindi ko lang matanggap na i-ikaw ang dahilan kung b-bakit kami muntik ng m-mamatay ni–"
"Hindi ko magets, Aki... Hindi niyo rin ba magets? WALA AKONG KI-NA-LA-MAN sa ng yari sa inyo. Ano ba! Para kayong sirang plaka, paulit ulit na lang. Hindi pa ba kayo tapos? Hindi pa ba kayo tapos na sisihin ako sa hindi ko naman kasalan. Ano auto flashback. Kingina naman! Ano bang kinalaman ko sa ng yari sa inyo? Wala naman diba. Jusko naman magisip naman kayo!"
"Sean..." Pigil sa akin ni Zoey pero tinignan ko lang ito.
"S-sorry... M-makinig ka muna sa akin, Sean–"
