Author's note:
Sorry sorry for the long update, gomen (TT)_____________________
Chapter 08:
Na ka hood jacket ako kahit na sobrang init maitago lang ang kamay ko sa bulsa. Wala kasing bulsa ang palda namin kaya wala akong mapagtataguan. Ayoko naman may makaalam na may ng yari gulo kahapon dahil–
"Ms. Daos!"
Lumingon ako upang tignan kung sino ang tumawag sa akin.
"B-buti nandito ka na... Pinapatawag ka pala ng dean. Ngayon na mismo."
Okay nag kamali ako na walang na kaalam ng nang-yari kahapon.
Napakamot ako ng batok at dumiresto sa dean office. Pang ilang beses ko na bang na guidance simula elementary hanggang highschool suking suki na ako sa office. Buti na nga lang di nagsasawa sa mukha ko yung dean. Pero ako sawang sawa na sa mukha niya char. Buti nalang talaga graduate na ako kung hindi, aba ewan ko lang.
Pinasa lang ata ako ng mga teacher kasi ayaw na nila ako makita HAHAHAHA So funny.
Tumigil lang ako nung nag senior high school na ako dahil kailangan ko ng mag matured, dalawang taon na lang naman hihintayin ko, mag-bubulakbol pa ba ako? Pero heto na naman ako, sa tapat ng dean office.
Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Nahirapan pa ako dahil kaliwang kamay ang ginagamit ko what's more kung pasulatin ako, malilintikan na naman ako nito.
"Pinapatawag niyo raw po ako?" tanong ko rito bago sinara ang pinto. Pag-angat ng tingin ko nakita ko si Aki na nakaupo sa harap kasama yung dalawa at si Sir Lucian. "Yes, maupo ka... Katunayan kakausapin ko lang kayo dahil dun sa ng yari kahapon. Nag reklamo kasi ang mga magulang ni Mr. Lopez kahapon."
Tch! Sino bang di mag rereklamong magulang? Eh kung saakin ng yari yun baka gabing gabi sumugod si Tita rito eh.
"By any chance, nakilala... o kilala mo ba ang apat na taong yun na bumugbog sa inyo?"
Malay ko. Ba't ako tinatanong nitong matandang to. Di naman ako yung binugbog.
Teka? Pero kapah iisipin ko. Hindi sila pamilyar sa akin pero yung uniform na suot nila...
"Yung apat na lalaki naka suot sila ng itim na cup habang naka suot naman sila ng uniform ng HU. Pag kakatanda ko, uniform ng pang highschool ang suot nila. At pare-parehas ang suot nilang jacket. Madilim rin ang parking lot kaya di ko namukhaan kung sino sila."
"Kung ganun nandito lang sila sa HU?"
"Parang ganun na nga siguro?" Teka nga bakit sakin nila tinatanong yan? Totoo naman na di ko kilala yung mga bumugbog dun sa dalawa.
"But they know you..." Tinatamad na tumingin ako sa gawi ni Dionysus na naka halukipkip at naka dikwatro. "Bago nila kami binugbog may kung ano-ano pa silang sinabi pero may sinabi sila na tumatak sa talaga sa isip ko... 'Kasalan ni Daos kung bakit kayo mamatay ngayon.' Then tells us how they know your name? Ha?"
"Malay ko. Siguro kasi barumbado ako nung highschool?" Nagkibit balikat ako at napunta ang tingin ko kay Aki na nag-iwas lang ng tingin.
"Uy... Uy... Uy... Di porket nabangit nila pilido ko ako na agad may kasalanan. Remember tumigil na ako sa kagaguhan na yan. Nag bago na po ako."
Sumandal si Dean sa kaniyang upuan at napaisip. "Katunayan Dean iniligtas ni Ms. Daos silang tatlo kahapon." sabi ni Sir Lucian.
Tumingin sa gawi ko si Dean at sa gulat ko. Na pa ngiti ako ng sobrang lawak.
