"Sean!"
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa likod kung saan patakbong lumalapit sa akin ang best friend ko, si Aki. Ngumiti ako at dinaluhan siya ng yakap. Namiss ko ang bestfriend ko kahit na magkapit bahay lang kami.
"Wow naman teh, aga natin ah... Hahahaha." Napasimangot ako at bumitaw sa pagkakayakap niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Like dahh, ngayon lang to bukas late na naman ako. Kukunin ko lang id ko sa guidance. Samahan mo ko."
Natatawa naman itong sumabay sa akin at inakbayan ako.
"Hay naku, Rose. Sarap mong tuktokan ng kaldero sa ulo. Kailan ka kaya magtitino? Tch! Hinihintay mo pang makick out ka bago ka magdala. Nakakainis ka kamo." sabi nito sabay may pailing iling pang na lalaman. Inakbayan ko naman ito at tumawa ng mahina.
"Ang cute talaga ng bestprend ko parang pwet ko." Ito naman ang sumimangot at lumayo sa akin. Oh tignan mo, siya nga tong pikon eh. Ang daya naman. Sumimangot na rin ako kasi naman nakakahawak eh.
"Tigilan mo nga ako Aki sa kasungitan mo ah baka gusto mo masipa hanggang dun sa may entrance?"
"Ito naman... Di mabiro, halika na nga.... Hay naku! Araw-araw nalang laging nakasimangot yang mukha mo, di ka ba nangangalay."
"Hindi... As long na ikaw ang dahilan kung bakit ako nakasimangot. Nakakahawa kasi eh." sabi ko rito at na pa pout naman ito.
"Ang bad mo, di kita samahan diyan eh."
"Aba subukan mo lang."
Ngumisi ako rito at siya naman ang inakbayan ko. Nakasimangot na rin kasi ito. Ayoko naman na parehas kaming nakasimangot dahil ako lang ang pwedeng sumimangot. Pero maganda rin naman kung parehas kami naka simangot para bestprend goal.
Bwesit naman kasi. Bakit sa tuwing dadalaw ang may ari nitong school napag didiskitahan yung mga late na katulad ko? Kung di kukunin ang id, mag papa community service. My ghod! Kahit gumising pa ako ng madaling araw late parin ako.
Narating na namin ang guidance office at bumukas ito at lumabas doon si Anthony. Heart-throb ng school. Ngumiti sa amin at kumaway naman si Aki habang ako naman tinanguan lang ito.
"L-late ka rin kahapon?" nauutal na sabi ni Aki. Crush niya kasi kaya genyan na lang kung umasta.
"Oo eh..." tipid nitong sabi kay Aki na ikinilig ng dalaga. Napakapit pa ng todo sa braso ko. Napangiwi ako dahil nakakahiya ang ginagawa niya. "Naku papalate na rin ako para sabay na tayo kukuha ng id sa guidance." sabi ni Aki rito na ikinatawa naman ng lalaki.
"Oh siya, una na ako. Bye!"
Kumaway ito sa amin na ikinilig na naman ng katabi ko. Bago pa makaalis ang lalaki, humirit pa ang bakla. Nag I lub you too kay Anthony, natawa na lang sa kaniya si Anthony kahit ako natawa sa sinabi niya. Nag tinginan tuloy sa amin ang iilang mga estudyante.
"Tsk! Tigilan mo yang kalandian mo bakla ah!" naiinis na sabi ko rito.
"Sus! Selos ka lang noh. Wala kasing jowa."
"Ha! Ako pa talaga walang jowa, eh ikaw meron ka rin ba?"
"Wala! Kaya nga parehas tayo eh! Hahahaha."
Napailing nalang ako at sabay kaming pumasok sa guidance.
Isang mahaba at malupetang sermon ang bungad sa akin ni Miss Chua. Tumango-tango na nga lang ako kahit na isa sa sinabi niya wala akong na itindihan eh.
Pumerma muna ako dun sa papel at mabilis na kinuha ko yung id ko. Palabas na kami ng mag pabaon pa itong sermon.
"Wag ka ng babalik ritong bata ka! Senior na kayo! Ganyan parin kayo umasta! Jusko! Kung ako lang nanay mo baka pinag impake na kita ng damit!"
Blah blah blah...
As if naman gusto din kitang maging nanay.
Tch!
"Nice one! Gusto ka atang ampunin ni Miss Chua ah. HAHAHA."
"Hmmp! Asa. Baka ano pa mang yari sa akin at mabingi pa ako ng wala sa oras."
Niyaya ko na itong pumasok at saktong pagdating namin siya ring pag dating ng teacher namin. Nice si Sir Rollen agad. "Bring out your note book at isulat niyo to." Nilabas ko ang notebook ko sa reading and writing at isinulat kung ano man yung sinusulat ni sir.
Shet! Nakalimutan kong mag pakilala. Ako nga pala si Sean Rose Daos isang abm student ng Harry's University.
Tahimik lang akong tao, minsan maingay kapag na kainom at sa tuwing kasama ko ang best friend kong si Aki. Since elementary mag kasama na kami, para ko na nga tong kapatid eh. Tinuring na rin akong parang tunay na anak ni Tita Mia na nanay ni Aki.
Tanda ko pa nga dati, dinadamihan ni Tita ang baong kanin at ulam ni Aki para daw hati kami. Tas ngayon naman sabay kaming nag enroll sa HU. Tutal wala rin akong maisip na mapapasukan sa college, kaya dito na kami nag enroll.
Natigilan ang lahat sa pagsusulat ng bumukas ang pinto. Nag tinginan kaming lahat doon kung saan nakatayo si Miss Chua. Usually na ka simangot na naman ito.
"Grade 11 abm-humss ba to?"
"Yes ma'am?" Lumapit sa kaniya si Sir Rollen at may binulong si Miss rito. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagsusulat ng bumalik na ulit si Sir sa harap. Malawak ang ngiti nito sa amin. "Magkakaroon tayo ng exchange student galing sa Alfonso University." Lahat sila napanganga ng marinig ang pangalan ng school.
Well sino ba di magugulat kung ang AU na sikat at prestigious school for elite student lang... LANG! Pang mayaman at kung wala kang pera wag mo ng balaking mag aral dun tutal wala ka naman pera.
"Sir babae o puffy!?" sigaw ni Ronnel na isang humss student. "Lalaki ata eh? Ewan, malay ko ba diyan. At ikaw bakla ka umayos ka, wag landi ang unahin ah. Aral muna teh." Nag tawanan kaming lahat ng irapan lang siya ni Ronnel.
Nag sulat na ulit kami at nag discuss na rin si Sir.
Matapos ang isang oras nag pa dismissed na rin ito kaya sabay na kami ni Aki lumabas at dumiresto ng canteen. May bibilhin ata eh.
"Alam mo teh. Curious ako."
"Sa alin?"
"Dun sa exchange student ng AU."
Napakunot ako ng noo at tumingin sa kaniya. "Kasi kung iisipin mo ng mabuti. Ang ayos na ng buhay nila sa AU tas lilipat pa siya rito? Ang tanga naman nila. "
Mahina ko itong binatukan na ikinasimangot nito. "Bunganga mo teh. Tigilan mo na yang pag iisip ng kung anu-ano. Pake mo ba sa kaniya... At isa pa mapera siguro sila kaya ganun... Tsk! Nakarinig ka lang ng lalaki, na detect na agad ng radar mo."
"Aba oo naman noh. Baka kasi pogi diba? Ito na chance ko mag ka jowa."
Nangasim agad ang mukha ko sa sinabi niya. "Bahala ka sa buhay mo!"
"Eto na naman po tayooo. Selosa ka talaga eh no." sabi nito sabay hampas sa pwet ko. Aba loko talaga eh! Napa halukipkip na lang ako at naupo sa bakanteng upuan sa gilid.
Nang may biglang mag sitiliang mga babae sa labas ng canteen. At dahil sa lakas ng tilian nila naki tsismis na rin ang iba pang nakain. Pati yung kasama ko naki asyoso na rin. Di ko nga napansin na katabi ko na pala eh. Bilis talaga ng tenga.
"Yan na ata yung mga exchange student ng AU eh."
Narinig kong sabi nung mga lalaki malapit sa amin. So hindi lang pala iisa ang lumipat rito sa HU.
_____________
Short update muna tayo ngayon. Sa susunod na ulit.
Please vote, share and enjoy reading this story.
Follow me in wattpad ateClumsy
