Palapit ng palapit ang tilian mg mga babae sa labas ng canteen. Akala ko nga papasok sila sa canteen eh kaso hindi naman pala. Dumaan lang pala, kaya ganun nalang ang pag ka dismaya ng ilang mga babae sa loob ng canteem kasama na dun itong katabi ko.
"Ay! Ano ba yan! Di man lang sila nagpakita sa akin!"
"At bakit naman sila mag papakita sayo?"
Sinimangutan lang ako nito at na unang mag lakad. Di man lang ako hinintay, hahabulin pa ata niya yung exchange student eh. Napapailing na lang ako sa inis.
Tsk! Bahala siya basta ako diretso room na ako tsaka gusto ko matulog dahil sunod na subject namin eh math. Baka walang pumasok sa utak ko kapag di ako maka-iglip.
Pagdating ko sa room dumiretso ka agad ako sa upuan ko at tumungo sa lamesa. Papikit palang akong ng may malakas na tilian na naman ng mga babae sa labas ng room ang narinig namin. Tumingin ako dun sa bintana at nanlaki ang mga mata ko ng matanto kung gaano ka daming mga babae ang nag sisitilian dun at di sinasadyang mapansin ko si Aki na nakikisigaw rin. Jusko po!
Tch! Ano to may pa boys over flowers? Dumingsu? Ganun?
Napailing na lang ako tsaka bumalik sa pagkakatungo.
___________
"Tara kain tayo kwek-kwek diyan sa labas." Tumango lang ako at sumunod sa kaniya.
Maaga nag pa dismiss si Sir Simoun na teacher namin sa Organization Management. May meeting ata lahat ng mga faculty member. May kung ano pa itong sinabi na di ko na matandaan dahil inaantok ako sa klase niya. Buti nalang naka survive ako kahit papaano.
Nakalabas na kami ng school at agad na tumawid kung saan na ka tayo ang ilang mga tindahan ng mga pagkain. Dumiretso agad kami dun sa suki namin ng kwek-kwek.
"Kuya dalawa pong bente pesos na kwek-kwek." aniya ko rito. "Wow teh alam na agad, di na kailangan pag sabihin ah." Ngumiti lang ako bilang tugon sa sinabi nito. Inaantok pa kasi ako eh.
Dahil marami ang namimili nag pa gilid muna ako at hinayaan si Aki ang kumuha dun.
Nang biglang nag ring ang cellphone ko. Nang tignan ko ito si tita tumawag. Mabilis ko naman itong sinagot at pumunta dun sa gilid kung saan walang gaanong tao.
"Hello po tita. Napatawag monkayo?"
"[Umuwi ka agad, Rose. May lakad tayo mamaya. Ipapakilala ko na sa inyong dalawa ni Chloe si Hon."]
Hon? Sino yun? Nanatili akong tahimik dahil wala akong ideya kung sino yung Hon na sinasabi ni Tita. Well, kapag napansin na ni Tita na nanahimik ako na gets na agad niya na di ko siya magets.
"[Basta, mamaya makilala niyo rin siya. Omoghod! I'm so excited you to meet him, kasama rin niya ang dalawa niyang anak! Wahhh, Rose dalian mo umuwi ka na rito! Kailangan ko taong experts sa pananamit!]"
Nailayo ko na lang sa tenga ko ang cellphone dahil nakakarindi si Tita.
"Opo, kakain lang po kami ni Aki tas didiretso na po ako diyan."
"[O siya dalian mo ah, Rose ah... Hintayin kita! Pakiss nga ako sa baby ko!]"
"Tita! Di na po ako bata." naiinis na sabi ko rito.
"[Tch! Alam ko naman yun eh. Ikaw na nga lang lagi kong kasama kasi di na ako inaalala ni Chloe eh...]"
Jusko! Eto na naman tayo sa kadramaham ni Tita. "O siya po nandito na po si Aki."