Chapter 05
"[Taena naman Sean, aga aga nang bubulabog ka na naman.]"
Inilayo ko sa tenga ko yung cellphone. "Anong maaga sa alasingko ng hapon? Teh kanina pa kita tinatawagan, di ka sumasagot. Sabi ni Tita tawagan daw kita."
"[Lahh! Pwede naman mamaya... Nakakapag hintay naman ata yan eh]"
"May party mamaya sa bahay nila Anthony... Sasama ka ba o hindi?"
"[Huh?! Party!? Teka! Otw na ako sa bahay niyo. Wait niyo ko! Kyahhhh Anthony my lubs!]"
Toooot...
Nakaka loka pinatayan ako ng tawag. Pag Anthony talaga ang bilis. Jusko sarap sambunutan ng babaeng yun.
Ayoko sumama sana kaso si Tita kasi eh. Ayaw niya yung pinili kong damit. Kasi daw panlalaki, bakit daw yun yung pinili ko? Ang baduy raw. Dahh eh ang sabi ni Lucian pwede akong pumili ng kahit anong damit dun eh.
Kaya yun! Nag padala agad ng dalawang dress si Auntie Mika, isa para kay Aki.
Na sa kwarto ko na nga eh.
Isang a-line spaghetti strap white satin dress na may kasamang 9 cm na puting heels na may design na flower sa may strap. Naiinis ako ayoko magsuot ng ganiyan.
Papikit palang ako ng bigla bumukas yung pinto ng kwarto ko kaya napabangon agad ako.
"The fuck!" sigaw ko. "Ano pa hinihintay mo diyan magayos na tayo!"
_________________
"Kinakabahan ako, Sean. Piling ko may kakain sakin ng buhay dun."
Napangiwi naman ako. "Huh? Sinong tao ang magbabalak na kainin ka eh baka nga zombie ayawan ka rin– Aray!" Kainis naman oh. Binubiro lang, hinampas pa ako. "Pinapatawa na nga lang kita nanghampas ka pa." inis na sabi ko rito.
Nag peace sign lang ito. "Hoy... Alam mo ba kung anong party yun?"
"Ewan basta sabi party."
"Hayst! Di ka na naman nakinig no. Wala ka talagang kwentang kausap."
"Eh sa di ko nga alam."
"Sabihin mo nga, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"
"Meron."
"Meron? Lah... Ano yun?"
"Mamaya ko nalang sasabihin. Nandito na tayo oh."
Pinark ni kuya ang kotse sa harap ng hotel. Sabay kaming bumaba ni Aki ng kotse at napanganga si Aki sa sobrang laki nung hotel. Kahit ako ganiyan rin ang naging reaksyon ko nung unang makita ko ang hotel na ito.
Yumuko sa harap namin ang isang babae na naka formal attire, hudyat ng pag galang nito.
"Ako pala si Singko, secretary ni Mr. Gray."
Ohh. Siya yung babaeng na kasama ni Tito Hon nung araw na nagkita kita kami rito. Tumango lang ako rito at kumapit kay Aki. "Sundan niyo ko." Tumango lang kami parehas ni Aki at sinundan ito. Nang bigla akong kalabitin ni Aki at bumulong sa tenga ko.
"Teh, ang sungit nung babae. Kala mo siya may arin ng hotel."
Mahina akong na pa hagikgik sa sinabi ni Aki at hindi na nag komento pa. Baka marinig kami ni Singko, lakas pa naman bumulong tong babaeng to.
Hinatid naman kami ng maayos ni Singko dun sa venue. Kaso nahihiya lang talaga kami pumasok dahil pag pumasok kami bubukas ang pinto at sigurado akong pagtitinginan kami. Iniwan na din kami ni Singko dahil may gagawin pa ito. Kaya nag hintay kami na sana may lumabas o pumasok na guest.