Chapter 06
Akalain mong lunes na naman...
Nakakatamad pumasok.
"Rose... Bumaba ka na. Papasok ka ba o hindi?"
"5 minutes please!"
Huhuhu... Masakit pa rin ang puso ko, sobrang sakit. Gusto kong tumalon sa bangin at ibaon ang sarili ko sa lupa.
Ayoko na.
Matapos kasi nung party. Umamin sa akin si Lucian. Oo umamin sa akin. Umamin siya sa akin na gusto niya si Aki na bestfriend ko. Akala ko tahimik lang siyang tao pero nagkamali ako dahil daig pa niya ako kung mag kwento. Kunti na nga lang malapit ko na siyang masapak sa mukha. Hindi ba siya aware sa nararamdaman ko.
Ang sakit sakit. Lalo lalo na ito. Itong walang kwentang puso nato. Kung sino sino na lang kasi ang nagugustuhan. Pati maling tao ginusto rin.
Sa inis ko bumango nalang ako at naligo.
Hindi naman ako nag tagal sa banyo at nagbihis na ako ng uniform at bumaba na.
Naabutan ko si Tita na nag hahanda ng almusal.
Buti pa tong si Tita maganda ang gising. Ako.. heto nag mumukmuk pa rin. "Oh nandiyan ka na pala. Kumain ka at makapasok ng maaga." Kumuha lang ako ng pandesal at hinalikan sa pisngi si Tita. "Busog pa po ako, mauna na ako." walang gana na sabi ko rito.
Nagtataka na lang na sinundan ako ng tingin ni Tita hanggang sa makalabas ako ng bahay. Tinatamad akong sunduin si Aki. Tutal late naman na baka nauna na yun.
Baka isipin niyo na may sama ako ng loob kay Aki. Ayos lang sa akin basta masaya ang bestfriend ko. Wala sa itsura pero mabait ako lalo na pagdating sa kaibigan ko. Ayos lang na masaktan ako wag lang si Aki. Ayos lang na mag hirap ako wag lang siya. Para sa akin isang mababasagin si Aki na kapag hindi ko iningatan mababasag na lang.
Jusko ang layo naman ng sakayan ng tricycle dito. Mas malayo mas nakakatamad pumasok at kung di ako papasok, sapak naman ang abot ko kay Tita.
Kahit na tinatamad ako pumasok sumakay na lang ako ng tricycle at pumasok na lang ng school.
Imbis na sa room ako dumiretso sa canteen ako tumambay. At least may dahilan ako kay Tita na pumasok ako diba, ang talino ko talaga. Dun ako pumwesto sa may likod dun sa part na malapit sa may bintana at tumungo dun. Matutulog na lang ako.
______________
Hmmm... Ang ingay naman putcha.
"Buti nalang walang tao rito sa canteen noh, makakakain na ako ng matiwasay. Hahahaha"
Kainis. Sino ba yung walang hiya naman oh? Kung makatawa wagas. Di niya ba alam may tao rito, natutulog. "Ang ganda talaga ni Ms. Padilla no? Kahit na mahinhin siyang tao alam mong mabait at totoo siya."
Kahit dito ba naman sinusundan ako ng mga lalaking humahanga kay Aki. Nakakasawa na ah.
"Pero mas astig naman si Ms. Daos kaya niyang makipag patayan para lang kay Ms. Padilla."
Oh... Sabay bawi. Jusko naman. "Don't you ever mention that name again. Understand?" Mabilis kong iminulat ang mga mata ko ng mawari kung kanino ang boses na iyon. Pero nanatili pa rin akong na kayuko.
"Hayst... Ano bang kinakagalit mo sa kaniya. Ang bait bait kaya niya."
"Mabait? Nababaliw ka na ba? Nakita mo ba kung anong ginawa niya nung party. She become wild! Dahil sa kaniya na sira yung party. Nakakahiya siya."