"Anthony?"
"Sean?"
"Magkakilala kayo?" sabay na tanong ni Tita at ni Mr. Hon. "Wait... What the hell is happening?" singit naman ni Chloe.
"No... I mean yes?" di ko sure na sabi sa kanila. Natawa naman ng bahagya si Mr. Hon at lumapit sa amin. "Before we talk about that let's have a seat, first." na kangiting sabi ni Mr. Hon.
"Hello, Sir. " magalang na bati ko rito at nakipag kamay na agad naman niyang tinanggap. "Enough with those formalities, instead just call me Tito Hon." Bahagya akong ngumiti rito.
"Sure, Tito Hon." Madali lang naman ako kausap eh.
Ngumiti ito sa akin at lumapit kay Tita. Kasunod nila ako sa likod at dumiretso sa upuan malapit sa may bintana. "Napaka ganda naman ng view rito Hon." tuwang-tuwa na aniya ni Tita rito.
Katabi ko nga pala si Chloe.
Nakatingin lang sa akin si Anthony na hindi ko man lang binigyan pansin. Ilang minto rin ang nag daan. Nagkaroon naman ng mga sariling mundo tong mga kasama ko. Si Anthony at Chloe nag uusap sa kung anu-anong bagay at sila Tita at Tito naman may sariling mundo rin.
"Nasan na yung kapatid mo?" tanong ni Tito kay Anthony. "On the way na daw po siya dad." Tumango lang sa kaniya si Tito.
Napaka swerte ko sa pwesto ko dahil tanaw na tanaw ko sa baba yung mga kotse na natraffic sa kalsada. May building na kapantay lang din ng hotel na kinakalagyan namin.
"I'm sorry I'm late, dad."
Lahat kami nag silingunan dun sa harap ng may biglang lumitaw na god este tao na kahawig na kahawig ni Tito. Pero ang pinag kaiba lang nila may kakaibang aura ang isang to kumpara kay Tito Hon na laging nakangiti.
Para akong binuhusan ng yelo, dinaig ko pa nanigas sa kinauupuan ko.
Did Adan really exist in this world? Like what the hell men. Just looking at this guy make me think he's one of the greek god that really exist. Almost perfect na eh. Perfect jawline, pointed nose, makapal na kilay, yung mga mata niya na kaya kang hubaran ng panty at ang natural na mapulang labi niya.
Parang gustong lumabas ng puso ko sa katawan ko dahil sa kakaibang kaba ng isa isahin niya kaming tinignan.
Hanggang sa dumako ang tingin niya sakin. Pasimple akong nag iwas ng tingin at tumingin na lamang sa labas.
"Mr. Lucian?" Lumingon ako kay Chloe. Kilala niya ang taong to? Nag pabaling baling ang tingin sa amin ni Tita at Tito.
Hindi pa nag sasalita si Tita alam ko na agad ang na sa isip niya.
"Do I know you?"
Eh? "I'm sorry. I'm Chloe De Vera it's nice to meet you. I'm working as a financial manager in your company, Sir."
Ohhhh....
So magkakilala na sila? Pero ba't ganun? Parang wala lang rito ang sinabi ng babae.
"I don't care..."
Di ko sinasadyang ma pa hugis ohh ang labi ko. Gusto kong matawa dahil parang natataeng naupo si Chloe sa tabi ko. Like boom bitch! Ano ka ngayon! HAHAHAHA
Nahinto ako sa pagtawa si isip ko ng mapansin kong nakatingin ito sa akin. Binigyan ko lang ito ng pilit na ngiti at iniwas na ulit ang tingin.
Perooooo... What the fuck! Sa harap ko siya umupo! Mismo sa harap ko.