Dinala namin sa malapit na hospital si Dionysus at Alex. Pero nag ka roon saglit ng abirya dahil kailangan daw ng guardian consult bago sila magamot. Pero dahil na andito naman si Lucian na teacher namin, siya muna ang tumayong guardian nung dalawa.Gusto ko pa nga silang tawanan dahil ang papanget na nila. Pero dahil katabi ko lang si Aki, di na lang ako nag sasalita.
Eh sa di ako marunong sumuyo eh.
Ilang oras pa ang lumipas bago na tapos na gamutin sila Dionysus at Alex at nag papahinga nalang sila ngayon. Naiwan kaming dalawa ni Aki dito sa kwarto habang kinakausap naman ng doctor si Sir Lucian.
Tumingin ako kay Aki ng mapansin na nag mumugto pa rin ang dalawa nito mga mata.
"Aki..." tawag ko rito.
Lumingon ito sa akin at ngumiti, ngumiti na lang din ako at niyakap siya.
"Magiging ayos lang sila."
"S-sana Sean. Sana a-ayos lang sila."
"Shhh... Ayos lang sila. N-narinig mo naman yung sinabi ng doctor diba. Hindi pa sila mamatay."
Mabilis na kumalas sa pagkakayakap ko si Aki at sinamaan ako ng tingin.
"What?"
"Sean... Alam kong may galit ka sa kanila lalong lalo na kay Dionysus pero pwede bang timepers muna kayo sa away niyo?"
"Wala naman akong ginagawa ah."
"Exactly! Wala kang ginagawa physically pero sa tono ng pag sasalita mo parang... Parang gusto mo na silang m-mamatay."
"Uy wala akong sinasabing ganiyan, Aki ah." Ba't parang kasalan ko pa ang nang yari sa kanila.
Masama pa rin ang tingin ni Aki sa akin. Wala naman akong ginagawa, wala pa nga eh. Wala pa. Pero kung umasta naman to parang jowa eh.
Natigil kami sa paguusap ni Aki ng pumasok na si Sir Lucian. Sabay kaming tumayo ni Aki upang salubungin ito.
"Sir ano po sabi nung doctor?"
"Ayos na sila. Hindi naman daw malala ang nang yari sa kanila dahil na isugod naman agad. Tinawagan ko na rin ang parents nila and they on their way here. Pwede na kayong umuwi, ako nalang ang maghihintay sa kanila."
Tumango ako pero bigla naman umiling si Aki. Okay... Anong meron at sinasalungat na ako ngayon ni Aki? "Kailangan na natin umuwi, baka hinahanap na tayo." sabi ko rito. Umiling lang ito at tumingin sa natutulog na Dionysus.
"Ayoko p-pang umuwi. Uuwi lang ako kapag gising na sila."
"Huh?! Aki naman di mo ba narinig ang sinabi niya. Ayos na silang dalawa! Katunayan nga papunta na ang mga magulang nila, diba. Pwede ba wag kang praning, kung umasta ka diyan para jowa mo yung na kahimlay diyan sa higaan."
"Sean! Kilala mo ko kapag sinabi kong ayoko ayoko. Hindi mo ko mapipilit. Dahil sa akin nag ka ganiyan sila. Dahil sa akin kung bakit sila nandito."
"Then tell us what happened! Hindi naman pwedeng manghula kaming dalawa rito sa nang yari sa inyo! Bakit hindi ka nalang humingi ng tulong sa iba! Bakit sa kanila pa!?"
"Dahil... Dahil wala ka! Wala ka sa tabi ko, okay! Wala ka sa oras na kailangan kita, Sean. Wala... Sinisigaw ko na ang pangalan mo! Nag babaka sakaling marinig mo at puntahan mo ko. Pero wala! Di ka pumunta! Pero sila, na imbis na ikaw ang tumulong sa akin sila... Sila ang tumulong sa akin. Niligtas nila ako pero... Ito. Ito ang ng yari. Muntik na kaming mamatay. Pero para sayo isa lang ito walang kwentang pangyayari."