"Wanna swim?" He asked.

Umiling ako, medyo nahiya ako sa pag iling pero nginitian niya lang ako na parang okay lang na ayaw ko.

Medyo sumasakit na ang araw sa balat kaya naisipan na naming bumalik sa lilim. Napaka bilis pala ng oras, malapit na rin mag tanghalian.

Tinignan ko ang wrist watch ko nakita kong 9:30 am na pala! Nakaramdam ako ng kaunting gutom, paano ba naman kasi maaga kaming kumain ng breakfast.

"Gutom na ako onti, kain na tayo?" pagyaya ko sa kaniya.

"Tara."

And since we're sitting under the coconut tree, inalalayan niya akong makatayo ng maayos.

Kumain na kami ng tanghalian, and yes maaga kami nag lunch dahil nga gutom na ako.

Habang ngumunguya ay tinitignan ko ang cellphone ko kung may message na ba sa akin si Gian. Updates at least, but I didn't really receive any. I glanced over again when I suddenly stopped because of Blake.

"Mamaya na 'yan. Kumain muna tayo." Seryoso niyang sabi.

Para siyang tatay kung mag saway!

Napangiti tuloy ako.

"Opo." I said.

He raised an eyebrow at me, but in the end we both laughed. Nahawa kasi siya sa tawa ko!

Nang matapos kaming kumain ay naramdaman ko na ang antok. Siguro ay mas magandang iidlip muna ako.

"Blake, uh...Tulog muna ako. M-medyo maaga kasi akong nagising."

Tinignan niya ang relo niya sabay sulyap muli sa akin.

"Hmm...Alright. Just make sure you wake up by three o'clock. Okay?"

Tumango ako.

"Uh, d-diba may business ka na p-pinunta dito? Paano iyon?" napakamot ako sa batok ko.

Napaawang ang labi niya at napa kurapkurap. He licked his lower lip.

"Ah-huh. Actually, aasikasuhin ko siya ngayon." sagot niya habang di ako tinitignan.

Hmm.

"Weh? Sure ka bang—"

"Shut up, sure akong business talaga ang pinunta ko dito."

"Weh?" pang aasar ko.

"Eliethia..." banta niya.

Tumawa ako. Ang sarap pakinggan ng pangalan ko pag binabanggit niya.

Tinaas ko ang dalawang kamay ko na para bang sumusuko na ako. Paano ba naman kasi, mukang nag aalburuto na siya sa inis! Haha!

"Okay, fine!" I laughed again.

Tumango tango siya habang kagat ang pang ibabang labi. Ngumingiti ngiti pa!

Tumayo na ako. Lalakad na sana ako paakyat pero may binalak muna ako.
Lumapit ako sa kaniya at binulungan.

"Baka babae talaga sadya mo rito?" kumaripas na ako ng takbo pagkatapos ibulong iyon!

Well, naniniwala naman ako na business talaga ang sadya niya rito. Baka nag kataon lang din na naiwan ako kasama siya sa iisang lugar.

Hinihingal ako nang makarating sa room. Maya maya ay nahiga na ako sa kama, naisipan kong mag text muna kina Cora at Liam. Pero bago 'yon ay may natanggap akong message galing kay Mom.

Mommy:

I miss you! Enjoy kayo there!

Napangiti ako.

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now