"Ano? Ako nanaman?" paghahamon ko.

Ginagamot niya ang sugat ko sa braso. His eyes pierced through me.

Oh bakit? Tama naman ako ah! Ako nanaman ang mali!

"Sinabi ko bang ikaw?" masungit niyang sabi.

Natahimik naman ako.

"What happened?"

Ay nako! Ikaw ang may kasalanan! Psh!

"Nothing." nag iwas ako ng tingin.

Natigilan siya at nag angat ng tingin. Napanguso naman ako dahil sa titig niyang pikon na ata.

"Nothing? Really, Eliethia? Don't bullshit me, tss." pinagpatuloy niya ang pag gagamot.

"It's all your fault." bulong ko sa sarili.

"What?"

"Nothing!" I smiled.

He rolled his eyes at me. He even mocked me!

"Really...What happened. Tell me."

Shit. Nakakahiya naman kasi ang dahilan!

I bit my lip.

"Uh...G-galit lang siya sa a-akin. H-hindi ko alam kung bakit." nag iwas ako ng tingin.

Natapos na ang pag gamot niya sa akin. Chineck niya pa ang leeg ko kung may kalmot pero mukang wala naman.

"Lagi bang nangyayari 'to?" madilim ang mga mata niya.

Umiling ako at tumanggi. Pasalamat ka Yeshi hindi kita sinumbong!

"Yung totoo?" mas nakakatakot ang boses niya ngayon.

"Hindi nga..." lumiit ang boses ko.

N'ong araw lang din na 'yon ay sumabay na siya sa dinner pagsapit ng gabi. Dumating din si dad at mom. Katabi ko si Blake habang si Dad naman ay naka upo sa dulo ng hapag. Nasa kanan niya si mom. Nakasuot ako ng over sized na t-shirt at pinaresan ko ng pajama.

Nialalgyan ko ng pagkain ang plato ni Blake. Habang nag uusap sila ni dad ay nagsimula na kami kumain.

"I heard, dumarami ang may interes sa kompanya niyo, Blake?"  dad said.

Tumikhim si Blake bago sumagot.

"Opo, tito."

"Kailan daw ba ipapa take over sa'yo ang business?" mom asked.

Tahimik lang akong kumakain. Feel ko hindi ako belong dito!

"Pagkatapos ko po kumuha ng MBA sa...Dubai."

Napaangat ang tingin ko. Nagkatinginan kaming dalawa.

Aalis siya?

Parang may tumusok sa puso ko. Iniisip ko palang na aalis siya at maiiwan ako rito na nag hihintay ay parang mahihirapan na ako. Pero para naman sa future niya 'yon kaya hindi ko siya pipigilan. Mas mahalaga 'yon.

Pagkatapos ng dinner, naka upo kami sa garden. Tahimik lang ako at alam kong nakatingin siya sa akin.

Pinapanood ko lang kuminang ang mga bituwin sa kalangitan, napakaganda nilang nag nining ning kahit na ang paligid nila ay madilim.

Kung aalis siya, paano ako?

Pero mali. Maling pigilan siya. Hinding hindi ko siya pipigilan para lang sa sarili ko.

"Sorry if I didn't tell you about this..." he whispered.

Napalunok ako. May bumabara sa lalamunan ko at aaminin kong mabigat sa pakiramdam.

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now