"May point naman siya. Pag isipan mo yan." sabi ni Liam. After namin umuwi galing batangas ay talagang napa isip ako sa sinabi ni Blake.

Yes, walang Gian na dumating. Siguraduhin niya lang talaga na may magandang rason siya. No communication, really?

"Tsk. I told you..." Blake smiled.

Ah yes, simula nung naka uwi kami galing batangas ay sumama na rin si Blake sa grupo namin nila Cora. Sobrang magkasundo na sila ni Liam ngayon.

"Eh teka, bakit muna ganon? Ano 'yang si Gian? Uuwi lang sa'yo kapag pagod na siya sa kung ano anong ginagawa niyang di ka updated? Nako ayusin mo buhay mo babae ka." Cora rolled her eyes.

Liam snickered.

Napahawak ako sa sentido ko. Nakaka stress. I don't know what to do now.

"Tingin niyo may babae siya?" wala sa sarili kong tanong.

Isa isa ko silang tinignan. Pare pareho silang nag iwas ng tingin at napainom. Sabay sabay rin silang nag kibit balikat.

"Kasi last time nasabi niya na may nirereto si tita sa kaniya. And...And sobrang nagulat ako! Bakit ganon? Bakit...Bakit may pag reto? Akala ko ba gusto niya ako para sa anak niya?" naguguluhan kong tanong.

"Same question." Cora said.

I sighed heavily. Kailangan ko talaga ng explanation.

Hindi ko siya pwedeng puntahan sa bahay nila, dahil mamaya baka wala siya doon. Nag text ako sa kaniya pero wala manlang reply, maski tawag wala!

God, it's been 3 days!

Although hindi pa kami break.

"Hiwalayan mo na." Blake clenched his jaw.

"Tama ka diyan bro. Kahit kaibigan ko si Gian, mali 'yang ginagawa niya." Nag high five sila ni Blake.

Natulala lang ako saglit. Nagulat nalang ako dahil kay Cora.

"Oh my god..."

Napalingon kami sa kaniya. Gulat na gulat parin siya at nakatingin kung saan.

"I think I know the answer." Nanliit ang mata niya.

Napalingon ako tinitignan niya.

Oh my god...

MAY KASAMANG BABAE SI GIAN.

Papasok sila sa isang restaurant na saktong katapat lang ng starbucks kung nasaan kami ngayon!

Naiiyak ako sa nakita ko. Ramdam ko ang kirot sa puso ko nang makita kong naka ngiti si Gian habang naka hawak sa likuran ng babae. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

Napalingon ako kay Blake na ngayon ay concern na naka tingin sa akin. Bumibilis ang pag hinga ko, gusto kong pigilan ang puchang luha ko!

Ano? Nakahanap na ba siya ng iba habang kami? Ano 'to nireto sa kaniya?

Sobrang daming tanong sa utak ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko, pakiramdam ko may nakapatong sa dibdib ko.

"Tangina ni Gian." ani ni Liam.

Napayuko ako dahil sa nababadyang luha.

"Eli, let's go. Ihahatid na kita sa bahay niyo." si Blake.

Tumango nalang ako.

"Ingat kayo." Cora said.

Habang nasa sasakyan kami ay nakatulala lang ako. Kaya ba wala siyang paramdam nitong mga araw? Dahil may iba na siya? Nag sawa na ba siya sa akin?

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now