"So..." sumandal si daddy sa sofa habang tinitignan si Blake. "First of all, gusto kong malaman ang mga dahilan mo kung bakit ka namin papayagan na ligawan ang anak namin? Hmm?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Dad!?"

"What? May masama ba sa tanong ko?" 

Aba daddy, wala! Tsk...Nakakahiya.

"It's okay, Eli." Blake smiled. "Kaya ko pong panatagin ang loob ninyo tuwing kasama ko ang anak niyo, Mr. Rodriguez. Handa po akong alagaan siya. Makakasiguro din po kayo na hinding hindi ko po sasaktan ang anak niyo..." 

Bumibilis ang tibok ng puso ko, halo ang kaba para sa kaniya at kilig sa mga sinabi niya.

"Aba dapat lang na hindi mo saktan ang anak ko, Mr. Dela Miego. Baka mabitay kita ng wala sa-"

"Daddy!" pinanlakihan ko siya ng mata.

Nasa ginta ako ng mga magulang ko. Nasa iisang sofa kami, habang si Blake naman ay nasa katapat lang din namin na sofa. Isang small table ang namamagitan sa kinauupuan namin. Hindi ko manlang makitaan ng kaba ang muka ni Blake! He's so confident! 

Natawa ng bahagya si Blake kaya naman pinagkunotan ko siya ng kilay at binigyan ng istriktang tingin! Tatawa tawa ka diyan, mamaya magulat nalang ako bigla kang bigtiin ng daddy! Ayusin mo sagot mo!

"Mapagkakatiwalaan niyo po ako. Malaki po ang respeto ko sa anak ninyo at lalong lalo na po sa inyo, Sir. At...Sinisiguro ko rin po kayo na, mamahalin ko po ang anak niyo hanggang sa kamatayan ko,"

"Blake..." shit! Napasalita tuloy ako dahil sa huling sinabi niya. Ramdam ko na ang init ng pisngi ko. Naghaharumentado sa bilis ang puso ko. 

Napatingin tuloy si Daddy sa akin!

"Mamaya ka na kiligin diyan, Eliethia!" daddy said when he saw my reaction! Argh! Nakakahiya talaga itong ama ko!

Tinikom ko ang bibig ko.

"At kung nangangamba po kayo tungkol sa future namin, ay huwag na rin po kayong mag alala. Her future is secure with me, Mr. and Mrs. Dela Miego." he said like he was so sure.

I grinned at him. He winked at me.

"Ah, Mr. Dela Miego...Ano ba ang kaya mo ibigay sa anak ko?" mom said in maarte tone.

Napairap ako sa kaartehan ni mommy sa pagsasalita!

"Everything, ma'am." 

Napalunok ako bigla. Oh my gosh...

Napatango tango ang parents ko sa kaniya. 

"Weh?" I mouthed.

He smirked.

"Good..." my dad said. "Pero..." kinakabahan ako sa pero na iyan!

"Hindi kita papayagan na- I mean, kayong dalawa na...Hmm. Hangga't hindi pa kasal. Naiintindihan niyong dalawa?" istriktong sabi ni daddy sa amin ni Blake.

Tumango ako at ganoon rin si Blake. 

Eh, paano naman kung mag make out kami? Joke lang!

Natawa tuloy ako sa joke ng isip ko. Tuloy ay pinagtinginan nila akong lahat na para bang may mali sa tawa ko!  napawi ang ngiti ko at tumikhim.

"Anong tinatawa mo, Eliethia?" tinaasan ako ng kilay ni mommy.

"Nothing!" umiling ako agad.

Napatingin ako kay Blake na umiiling habang naka ngiti. Pinipigilan ang tawa.

"Isa ka pa!" dad said kaya nagseryoso muli ang muka ni Blake.

"Sa oras na malaman ko na may ginawa kayong milagro, Blake alam mo na kung ano ang mangyayari sa'yo." dagdag ni daddy.

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now