"Tayo ka roon. Picturan kita!" I said. Tinulak tulak ko pa siya. Nasa Taoist temple kami ngayon! Napakaganda rito!

Tumayo nga siya at pinicturan ko siya. He's wearing a long sleeve polo shirt. Nakatupi iyon hanggang siko, at ang pang ibaba niya ay maong shorts. Naka white sneakers din siya katulad ko. Sobrang attractive niya tignan. I mean lagi naman!

Ako naman ay naka mom jeans at white v neck t-shirt na puti. Pareho kaming naka suot ng sun glass dahil medyo matirik ang araw! Naka sling bag lang ako. Wala nga siyang dala halos dahil nasa bag ko ang mga kailangan niya! Ginawa akong taga bitbit! Grrr!

"Ikaw naman." sabi niya.

Inabot ko sa kaniya ang phone ko. At nagpalit kami ng pwesto, ako naman ang pinipicturan niya. Mahilig ako mag picture, kaya marami akong alam na pose. Marami ang clicks niya sa akin. Para akong model!

Chineck ko ang picture. Magaling siyang kumuha ng picture ah! Pwede ko na 'tong gawing photographer! Joke!

"Galing mo kumuha! Ikaw nalang photographer ko!" I joked.

"Sige, madam." he laughed.

Pareho kaming napatingin sa ganda ng view. Napaka ganda at nakakamangha.

"Alam mo bang first time kong mag travel na hindi kasama ang parents ko...Nang ganito kalayo." bigla kong sabi habang nakatingin sa magandang tanawin. Nang hindi siya sumagot ay bumaling ako sa kaniya. Pero halos kapusin ako ng hininga nang makita siyang nakatitig lang sa akin.

"At kasama mo ako..." he said. 

Our eyes met. Masakit ang puso ko habang tinititigan siya.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ibinalik ang mata ko sa magandang tanawin. Ramdam ko parin ang mata niya sa akin.

"Huwag ako ang tignan mo. Ang ganda ng tanawin, sayang naman kung babalewalain mo." binangga ko ng marahan ang braso ko sa braso niya.

Nang hindi siya nagsalita ay tumingin ako sa kaniya. Seryoso ang mga mata niya, sa titig niya parang mas sumasakit ang nararamdaman ko. Gusto kong tanungin kung ano ang nararamdaman niya. Pero kalahati sa akin ay ayaw kong alamin.

Minsan gusto man natin alamin ang nararamdaman ng iba, may takot parin tayong marinig na ilahad nila iyon sa atin.

"Hindi sayang ang tanawin. Kasi ito, kahit ilang beses kong puntahan ay makikita ko parin siya ng paulit ulit." tinignan niya ang nasa harapan. "Pero yung kasama mo makita ang napakagandang tanawin na ito..." tumingin siya sa akin. "Hindi ka sigurado kung hanggang kailan mo siya madadala rito."

Sakit ang nakikita ko sa mga mata niya. Sakit na ako ang nagparamdam. At isa akong walang hiya para iparamdam sa kaniya 'yon, dahil alam kong hindi niya dapat maramdaman ito. Wala siyang ginawa kundi ang umalalay sa akin tuwing kailangan ko siya.

Pinipigilan ko ang nababadya kong luha kaya nag iwas ako ng tingin.

"Makakasama mo pa naman ako." I smiled to ease the heavy atmosphere.

Makakasama mo ako, pero aayusin ko muna ang sarili ko...

Ngumiti lang siya at tumango.

"Tayo ka roon, kukuhaan kita." he said.

Sinunod ko iyon. Tumayo ako at ngumiti sa camera na para bang sobrang saya ko sa oras na ito. No, masaya talaga ako pero hindi maiwasan ang sakit.  Ang pangalawang kuha ko ay nakatalikod ako sa camera habang nakatingin sa tanawin.

Nang matapos na kami ay sumunod naman naming pinuntahan ang nasa listahan.

Temple of Leah.

Napaawang ang bibig ko sa ganda ng lugar! Para kang nasa ibang bansa!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 17, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now