Hindi ko na pinansin pa ang comment section, ang mahalaga ay andito ako ngayon at kasama si Gian. After that, naisipan namin lumangoy. Hinubad ko na ang cover up ko at si Gian naman ay naghubad din ng kaniyang pang itaas.

Sabay kaming naglakad patungo sa dagat. Hawak kamay kaming dalawa pahapon na kaya medyo bumababa na ang araw. What a very beautiful scene. Sunset and Us.

Yumakap si Gian sa aking bewang, inilagay ko naman ang mga braso ko sa kaniyang batok. I smiled as he kissed me. Somehow, I feel so happy. Talagang bumabawi ka ngayon sa'kin huh?'

"You're so pretty, babe." he whispered.

"And you're so handsome." I chuckled.

Pinagmamasdan ko ang ganda ng araw kahit na papalubog na ito. I smiled. Napakaganda pala talagang pagmasdan ang araw kahit na dahan na dahan na itong nawawala. Then I looked at Gian, nakatingin din siya sa araw. Hindi niya alam na nakatingin din ako sa kaniya. Mukhang malalim ang iniisip niya...

He sighed heavily.

"Is there a problem?" I worriedly asked him. He looked so stressed.

Tinignan niya ako na para bang nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya o mas pipiliin niyang itikom ang bibig huwag lang akong mamroblema sa mga bigat na pinapasan niya.

"You can trust me babe...You can lean on me." Tinignan ko ang mga mata niyang tila kinakabisado ang bawat bahagi ng aking muka na para bang sa isang araw na pag gising niya ay mawawala ako.

Ngumiti lang siya.

"Wala...Wala naman, masaya lang ako na sa dinami rami ng babaeng gusto sakin ni mama, sa'yo ko lang nakita ang future ko. I love you."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Kailanman ay hindi ko alam na may nirereto ang mama niya sa kaniya! Aaminin kong bumabagabag sa aking loob ang kaisipang maaring isang araw ay mahulog siya sa isa sa mga gusto ng ina niya para sa kaniya. Pero, bakit naman kaya ginagawa iyon ni tita? Ayaw niya ba sa'kin?

"Ah...What d-do you mean reto, babe? A-ayaw ba-"

Umiling siya.

"Hindi naman sa ganon. Hayaan nalang natin siya."

Huminga ako ng malalim. Hindi ko pinakita sa kaniya na naapektuhan ako sa ginagawa ng mama niya. Kung gusto niya ako...Bakit kailangan niyang mag reto para kay Gian?

Hindi ko na inisip pa. Kahit sandali lang ay inalis ko muna iyon, dahil mas mahalaga ang kung anong mayroon sa ngayon dahil hindi naman natin hawak ang bawat pahina ng ating buhay. Hindi natin masasabi kung ano ang mangyayari pagkatapos ng ngayon.

Napagpasyahan din namin kumain muna pagkatapos magsaya sa dagat. Nag bihis muna kami bago bumaba. May isang restaurant dito na napakasasarap ng mga pagkain!

Nag order kami ng lobster, sinigang na hipon, muscles, at iba't ibang pagkaing dagat. Kumakalam na ang sikmura ko, hindi na namin pinatagal kaya kumain na rin kaming dalawa.

"Babe..." Pagtawag sa akin ni Gian habang kumakain kami.

"Hmm?" Nag angat ako ng tingin.

Ilang sandali pa siyang natahimik ngunit sa huli ang nasabi niya lang ay "Nothing" sabay pagpatuloy sa kaniyang kinakain.

Nang mabusog na kami ay napagpasyahan namin na mag lakad lakad sa dalamapsigan.

Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad, pinagmamasdan ang mga taong nasa buhanginan kasama ang kanilang pamilya, asawa, kasintahan, at kaibigan.

Unexpectedly Married To you ( Dela Miego Series #1)Where stories live. Discover now