Chapter 9

7.5K 189 6
                                    


SAOROS'

Ramdam ko ang panginginig ng aking buong katawan habang nakatingin sa isang lalaking mariin ring nakatitig sa akin. Hindi ako halos makahinga at pakiramdam ko ay unti-unti na akong nauubusan ng hangin sa katawan. I felt suffocated by his deadly glares.

Kuya...

"Magkakilala ba kayo? Mukhang kanina pa iyang titigan nyo ah!"

I pulled back to my senses when I heard Jadah's voice behind me. Saglit na nawala ang aking atensyon kay kuya dahil sa ginawa kong paglingon upang tignan si Jadah. Nakangisi ito at pasimpleng tinignan ang gawi ni kuya na kasama ang isang magandang babae na ayon sa pagkakarinig ko ay fiancée daw nito.

"Ang ganda talaga ni Ms. Yen, 'no?" Ang biglaang sabi ni Jadah.

Sinundan ko ng tingin ang kanyang mga mata and found her looking at the girl named Yen Alcaraz, kuya's fiancée.

"She looks nice, too. Bagay sila ni Mr. Liam Juariz" dagdag na sabi ni Jadah.

Isang tipid na pag-ngiti lang aking itinugon at hindi na nag-komento pa. Hindi ko alam pero parang bigla nalang nanikip ang aking dibdib habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kasalukuyang magkahawak ang kanilang mga kamay habang nakikipag-usap kina Sister Alma at Sister Gina. Gaya ng sinabi kanina ni Jadah ay mukha namang mabait si Yen, approachable din sya, reason kung bakit kaagad syang nagustuhan ng mga kabataan dito sa bahay-ampunan.

Honestly speaking, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon na nagkita na kami ni kuya. It was so unexpected for me, nabigla ako at the same time ay kinakabahan na nasasabik. I don't know! I can't explain the feeling I have felt at this moment.

When I first saw him here, ay agad kong naisipan na magtago dahil natakot ako na baka bigla nya nalang akong hilahin palabas at muling dalhin sa isang lugar na malayo, just like what he did many years ago... But when I remembered Gianneri ay parang biglang napalitan ng pananabik ang takot na nadarama ko kani-kanina lang. Mas nangingibabaw ang pagkanais ko na mahawakan at mayakap ang anak ko.

"By the way, kamusta na pala ang likod mo?" Jadah asked as she started checking my back na hanggang ngayon ay namamaga parin dahil sa pagbagsak ko kanina.

"A-aw! Masakit!" Ang malakas na daing ko dahil bigla nya nalang tinusok iyon gamit ang kanyang daliri.

Sinamaan ko sya ng tingin and she just chuckled. "Tatawagin ko lang si Hubs dahil asakanya ang gamot mo" pagpapaalam nito bago naglakad paalis.

Saktong pag-alis ni Jadah ay sya namang paglapit ng isang lalaki na kanina lang ay mariin pang nakatitig sa akin. I feel my heart started beating so fast. Para akong mauubusan ng hangin sa katawan dahil sa presensya nito sa aking harapan. Breath in, Saoros... Take a hold of yourself. Si kuya Liam lang 'yan, ang lalaking ama ng anak mo...

"Saoros..." His deep, cold voice filled my ears. Dahil sa lamig ng kanyang boses ay bahagya akong napalunok. I could also feel my palms sweating and knees started losing its strength. Oh my god...

"Ku-kuya..." Nanginginig ang aking boses na syang ikinangisi nito. Ngisi na kailanman ay hindi mo nanaiisin na makita mula sa kanya. His smirk that shows danger.

"Good that you still remember me. How are you?" His voice were casual... Na kabaligtaran ng kanyang ekspresyon. Madilim ang kanyang mukha at pansin ko din ang bahagyang pag-igting ng perpekto nitong mga panga.

Five years had already passed, but his physical appearance still didn't change. He's still handsome as fuck and gorgeous as hell. His every moves shouts dominance and authority... As ever.

"S-si Gianneri kuya, nasaan sya?" Maluha-luhang tanong ko. Gusto ko ng mayakap agad ang anak ko, I want to feel her embrace and her kisses. Oh my god!...

"Who's Gianneri?"

Tila namanhid ang buo kong katawan upon hearing that from him.

Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang malalamig nyang mga mata. Mariin syang nakatitig sa akin na tila ba pinag-aaralan nya bawat kilos ko.

"A-ang anak ko, na-nasaan sya? Gu-gusto ko syang makita-"

"Really, Saoros? May anak ka pala?" Marahas nyang hinaklit ang aking braso dahilan upang mapadaing ako sa sakit. Hindi dahil sa paghaklit nya sa akin kundi dahil sa aking likod na bahagyang tumama sa isang pinto na nasa aming likuran.

"A-aray!"

Tuluyan na akong naiyak dahil sa sobrang sakit. Sinabayan pa iyon ng kanyang mga tingin na tagos hanggang kaibuturan.

"She don't know you, MY daughter doesn't even know your existence. Since the day you left us, ay ibinaon kana namin sa limot, Saoros." Diretsong saad nito na lalong ikinadurog ng puso ko.

Napailing-iling ako. No! "Kuya naman..."

"Did you see that girl?" Marahas nyang hinawakan ang aking mukha at iniharap iyon sa isang babae na masayang nakikipag-usap sa mga bata. Si Yen, his fiancée. "she's the mother of my child. Gianneri's mother."

That's when I lost all my strength at tuluyan ng nanghina. Napaluhod ako sa harap nya, not minding the pain of my back. Mas masakit ang nararamdaman ngayon ng puso ko.

"Hi-hindi totoo yan! Ako lang ang ina ni Gianneri! A-ako lang..."

My Brother's Obsession (MBO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon