Chapter 10

7.6K 179 14
                                    


SAOROS'

Malakas ang ulan na sinasabayan pa ng pagkulog at pagkidlat.

Hindi nakabalik sina kuya sa maynila, they were stranded here dahil hindi madaanan ngayon ang kalsada dahil sa sobrang baha.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pansamantalang pagi-istay nila dito, or matatakot ako. Tuwa dahil kahit papaano ay makukumbinse ko pa sya na ipakilala ako kay Gianneri. At takot dahil baka sa isang iglap lang ay gawin nya na naman ang mga ginawa nya sa akin dati. He'd hurt and force me to do the things I don't wanna do... Kagaya ng kung paano nya pagsawaan ang katawan ko.

"Naihanda na namin ang bakanteng silid na tutulugan nyo ngayon. Pag-pasensyahan nyo na kung medyo may kaliitan 'yong kama"

Mula sa pag-aayos ng aming higaan ay kaagad akong napatingin kay Sister Gina. Kinakausap ngayon sina Yen, kuya at iyong isa pang lalaki na sa pagkaka-alala ko ay Greyson ang pangalan. The man looks handsome, too. Magkasing katawan lang sila ni kuya at mukhang hindi nalalayo ang kanilang edad. Pansin ko nga na kanina pa ito sinusulyapan ng tingin ni Jadah, crush nya ata Ito.

"Ayos lang po yun, Sister. Maraming salamat po!" Ang nakangiting sabi ni Yen at halata mo talaga na mabait at approachable ito. Her genuine smile says it all. But still, hindi padin ako papayag na sya ang ituring na ina ng anak ko. Ako ang nagdala kay Gianneri sa loob ng siyam na buwan, was the one who gave birth to her kaya ako lang ang may karapatan na maging ina nya.

Kahit iniwan mo sya? You think may karapatan kapa sa anak mo?

The back of my mind shouts the opposite. I took a deep breath, inaalala ko ang kaunting panahon na kasama ko pa ang anak ko. Her sweet coing, her smiles, her very cute face... Lahat nang iyon ay detalyado pa sa isip ko.

"Anak?"

I was pulled back to my senses when I felt someone tapping my shoulder. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang mukha ni Sister Gina.

Mukhang kanina pa nito ako tinatawag, ngunit dahil sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko iyon napansin. Bigla akong nakaramdam ng hiya at pilit na nginitian si Sister.

"Ayos ka lang ba? Masakit pa ba ang likod mo?" She worriedly asked.

"Hindi na po Sister. Napainom naman na ako ni Hubby ng pain reliever kaya hindi na gaanong masakit" nakangiting wika ko na syang ikinatango nito.

"Mabuti naman. Puwede ba akong makisuyo sa iyo?"

"Opo naman Sister. Ano ba pa 'yon?"

"Puwede bang ikaw na ang magdala nito sa ating mga bisita?" Iniabot sa akin ni Sister ang hawak nyang kumot at dalawang unan.

Nag-aalangan ako na kunin iyon mula kay Sister Gina. Alam ko na kasi kung sinong bisita ang kanyang tinutukoy.

Tinignan ko si Sister at bakas na sa kanyang mukha ang pagod dahil kanina pa nito inaasikaso ang aming mga panauhin. Mula sa pagdating ng mga ito hanggang ngayon na malalim na ang gabi.

"Si-sige po, a-ako na ang magdadala nito"

Kinuha ko mula kay Sister ang mga hawak nya saka ako dahan-dahan na naglakad papunta sa silid na inakupa ng tatlong bisita.

Nang makarating ako sa harap ng kanilang pinto ay isang malalim na paghinga muna ang aking ginawa. I take a hold of myself, at akmang kakatok na ng bigla nalang bumukas ang pinto at lumabas mula duon iyong lalaki. Si Greyson...

"H-hi," ang nahihiyang bati ko. He just simply nod his head bago Ito naglakad papalayo. Sinundan ko Ito ng tingin at pumasok ito sa kusina kaya tingin ko ay kukuha lamang sya ng maiinom.

Muli akong humarap sa may pinto na ngayon ay bahagya ng nakabukas.

"I should be mad at her, right? Galit dapat ako pero tangina! Tina-traydor ako ng puso ko. She is my fucking weakness, damn it!"

I froze when I heard kuya's frustrated voice inside. Who is he referring to?

Out of curiosity, ay dahan-dahan kong inilapit ang aking tenga sa may pinto para mas lalo pang marinig ang kanyang mga sasabihin.

"Calm down, babe." It was Yen's voice.

"Do your thing to make me calm, Ayenna. Damn! I'm about to lose my sanity here, fu-"

Hindi ko na narinig ang kasunod niyon dahil bigla nalang tumigil si kuya. Bahagyang nangunot ang aking noo bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

Parang may kung anong punyal ang bumaon sa aking dibdib dahil sa eksenang tumambad sa akin.

I just found the two of them hungrily kissing each other. Hindi din nakaligtas sa paningin ko ang paghaplos ni Yen sa malapad na dibdib ni kuya. Damn...

Bakit para akong nasasaktan?

Mula dito sa aking kinatatayuan ko ay kitang-kita ko kung paano hubarin ni kuya ang kasuotan ni Yen saka Ito pumaibabaw sa babae.

It hurts, seeing him kissing and pleasuring her... Damn hurt.

My Brother's Obsession (MBO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon