Chapter 12

7.1K 159 17
                                    


SAOROS'

"Yaya, I'm hungry na..."

"W-wait lang, kaunti nalang 'to"

Halos hindi na ako magkanda-ugaga sa paghahanda ng breakfast ni Gianneri. Fried rice, tocino, hatdog at fried chicken ang ni-request nito, I was having a hard time preparing it dahil lahat yun ay pinagsabay-sabay kong lutuin.

Pasado alas-otso na ng umaga, late na si Gianneri sa school nya dahil alas-siete ang talagang pasok nito. Late na itong nagising kanina kaya naman inalalayan ko pa ito sa pagligo pati na rin sa paghahanda ng kanyang school uniform at bag.

"Why naman sunog? Ehh... I don't like it" maarteng saad nito at napapadyak pa matapos kong mailapag ang hatdog na ngayon ay nagkulay itim na. Na-over cooked!

"So-sorry..."

Mabilis kong inalis sa harapan nya ang sunog na hotdog at pinalitan iyon ng tocino at fried chicken na kakatapos ko lang mailuto. I run back to the kitchen to get her milk and lunchbox.

"You look so haggard na yaya." Pagpuna nito bago ininom ang kanyang gatas. She started eating her breakfast habang ako naman ay tahimik lang na nakamasid sa kanya.

Magana Ito habang kumakain kaya kahit papaano ay napangite ako. Worth it!

"Hi baby Gia!"

Sabay kaming napatingin ni Gianneri sa may hagdanan nang bumaba mula duon si Yen, wearing only her sexy lingerie that's exposing her skin. Kakagising nya lang, I must say.

"Hi Mommy!" Gianneri stood up and went to Yen's. She extended both of her arms na para bang nagpapa-karga ito. The latter smiled before bending in front of her. Nakangiti nitong kinarga ang anak ko saka sila sabay na naglakad palapit sa dining table kung saan nakahanda na ang breakfast.

"Good morning, Saoros!" Ang masiglang bati ni Yen sa akin.

Isang tipid na ngiti lang ang aking itinugon bago sya ipinaghila ng upoan. She said 'thanks' before sitting next to my daughter.

I watched the two of them happily eating together. Para namang may kung anong punyal ang bumaon sa aking dibdib dahil sa mga nakikita ko ngayon. Ako dapat 'yan, eh. Ako dapat ang tinatawag ni Gianneri na 'mommy'. Ako dapat ang palagi nyang kasabay sa pag-kain... Pero ano'ng magagawa ko? She only knew me as her yaya, not as her mother who carried her for nine months and gave birth to her after. Ang sakit lang...

"Good morning,"

I hurriedly wiped my tears when I heard kuya Liam's voice. Sabay na napatingin sina Yen at Gianneri sa may hagdan kung saan naruon si kuya, kapansin-pansin ang abot tenga nitong pag-ngiti kaya naman mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagkunwaring busy sa pag-aayos ng mga kutsara at kung ano-ano pa. I tried everything upang hindi magtagpo ang aming mga mata... Ngunit nabigo ako.

His eyes were like a magnetic glue that's pushing me to looked at him.

"Morning, baby..." He mouthed which made my cheeks heat up. Kumindat pa ito kaya naman pasimple ko syang sinamaan ng tingin. Damn! Paano kung makita sya ng anak nya? Hindi ba nag-iisip ang lalaking ito?

I looked away and was about to go when I heard Yen's voice. "morning, love!" She tiptoed and gave him a soft kiss.

Muli ay nag-iwas ako ng tingin dahil parang biglang bumigat ang pakiramdam ko. This is too much!

"After my school, can we go to the EK po daddy??" Masiglang sabi ni Gianneri.

Hindi muna ako umalis upang mapakinggan ang kanilang pag-uusap. Alam kong masama ang makinig sa usapan ng may usapan... Ngunit masisisi nyo ba ako? It's about my Gianneri, my baby.

"I'm busy, Gia. Sa sunday nalang" walang ganang ani kuya kaya kita ko ang pagsimangot ng bata.

"But daddy... You promised me!"

"Gianneri Saorill." May pagbabantang saad ni kuya kaya tuluyan ng napaiyak ang anak ko.

Akma na sana akong lalapit upang aluin ito ng bigla akong maunahan ni Yen.

"Hush, baby. Don't cry. Tayong dalawa nalang ang pupunta sa EK, alright?"

Gianneri's face lit up at mabilis nitong yinakap ang babae. "yey! Thank you Mommy, you're the best!"

And with that, ako naman ang tuluyang napaiyak. Damn.

"Saoros..."

Bago pa ako malapitan ni kuya ay tuluyan na akong tumakbo papalabas. Tangina, ang sakit!

|~|~|~|~|~|

A

My Brother's Obsession (MBO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon