Chapter 6

8.4K 201 5
                                    


5 years later...

SAOROS'

"Bakit ba kasi ayaw mo pang mag-asawa? My god, Saoros! Kung ako ang biniyayaan ng ganyan ka gandang mukha, aba'y matagal ko ng ginamit iyan upang akitin lahat ng mga gwapings dito sa baranggay natin 'no!"

Isang tipid na pag-ngiti lang ang itinugon ko kay Jadah na kanina pa naghihimutok. Sa halos apat na taon naming pagkakaibigan ay halos hindi ko na mabilang kung Ilang beses ko na iyang narinig mula sa kanya. Palagi nyang sinasabi na mag-asawa na daw ako dahil natatakot sya na baka tumanda akong dalaga. Actually, 23 palang naman ako and for me, masyado pang maaga para pumasok sa isang relasyon na alam ko sa sarili ko na hindi pa ganuon ka handa.

"Siguro ay may hinihintay ka, 'no? O baka naman ay umaasa ka pa sa isang relasyon na matagal ng natapos" aniya at bahagya pang umismid.

I smiled bitterly. Is it really over?

"Andami mong alam! Tulungan mo na nga lang ako dito!" Pinandilatan ko ito ng mata pero ang gaga ay tinawanan lang ako saka naunang bumaba ng puno.

Nandito kami ngayon sa ibabaw ng puno ng mangga. Nag-request kasi ang mga bata sa bahay-ampunan na nais nilang kumain ng mga mangga, kaya bilang kami ni Jadah ang mas nakakatanda ay kami na ang nag-presinta na umakyat sa puno at manguha.

Naunang bumaba si Jadah kaya isa'isa ko nang inilaglag ang mga mangga na sinasalo nya naman gamit ang kanyang maluwang na damit.

17 years old palang si Jadah habang ako naman ay 23. Medyo may kalayuan ang agwat ng edad namin pero kung umasta ito ay parang sya pa itong mas matanda sa aming dalawa.

Bago kami umuwi ni Jadah ay dumaan muna kami sa may palengke upang bumili ng ulam para mamayang hapunan.

"Sige, tutal ay maganda ka naman, singkwenta nalang iyan para sa'yo" ang nakangiting sabi ni Aling Mercy, ang may-ari ng gulayan.

Sabay kaming napangiti ni Jadah at dali-daling inabot kay Aling Mercy ang aming bayad.

"See? Marami ang mga na-gagandahan sayo, ikaw lang itong ayaw maniwala" ani Jadah sabay irap.

Napailing-iling nalang ako at hindi na sumalungat pa. Bahala na sya sa kung ano man ang gusto nyang sabihin, I don't want to argue.

"Ate Saoros!"

"Ate Jadah!"

Sabay-sabay na nagsitakbuhan ang mga bata ng makita nila kami. May iba pang yumakap sa tuhod ko habang ang iba naman ay nakay Jadah. Mahina akong natawa at inaya silang lahat na pumasok na.

For the past five years ay ganito lang ang naging buhay ko. After I escaped that day, I decided to go somewhere na hindi alam ni kuya Liam. Ang lugar na kung saan ako lumaki at nagka-isip. My feet and my heart brought me into this place where I belong. Inaamin ko na natutuwa ako dahil sa wakas ay nakatakas at nakalayo na din ako mula sa impyernong buhay ko noon, but there's a part of me na nakakaramdam ng lungkot at pangungulila... Pangungulila sa anak ko.

Gusto ko na syang makita, I badly wanted to see my little angel, but I'm afraid of the possible consequences I've might face oras na makipag-kita ako sa anak ko. There are too many what ifs that's stucked inside my head. Like, what if hindi nya ako makilala? What if kamuhian nya ako dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya? And lastly... What if may iba na pala syang itinuturing na ina?

That 'what ifs' inside my head were slowly killing me. Ang sakit...

"Bait iyaw iyat, ate?" Bakit ikaw iyak, ate?

I hurriedly wiped my tears when I heard baby Rian's voice. Napatingin ako dito and saw her looking up at me. She's six years old at sa lahat ng mga bata dito ay sya ang mas curious. Everytime na nakakakita sya ng mga taong umiiyak ay agad nya itong tinatanong, gaya ngayon.

I bend down in front of her para magpantay kami. Her innocent and angelic face touched my heart. Isang tao ang kaagad na pumasok sa isip ko... My Gianneri.

"Ang cute mo talaga, alam mo ba 'yon?" Nakangiting saad ko at dahil sa kacute-an nito ay hindi ko maiwasan na kurutin ang matambok nitong pisnge. Napasimangot naman ito na syang ikinatawa ko ng mahina.

"Saoros..."

My Brother's Obsession (MBO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon