Ito ang last day ng convention namin nang matapos ay umalis agad kami para bumalik ng room namin hindi ko na nakita si Papa o si Miguel na kilaluwag ng pakiramdam ko.
Masakit dahil hindi niya kami naipag laban ng mga anak namin at hindi ko alam kung makikilala pa ba ng kambal ang ama nila.
Sakto pag labas namin ng lobby habang inaantay ang service namin ay nakita ko si Papa.
"Anak saan kayo nakatira pumunta ako sa dating bahay niyo wala na daw kayo"ani Papa
"Matagal na po kaming wala dito sa manila nasa probisya na ang buhay namin"sabi ko
"Anak pwede ko bang makita ang mga kapatid mo?" Tanong ni Papa
"Pa ayaw na po namin ng gulo ano ang sasabihin ng asawa at mga anak mo tama na Pa"sabi ko
"Anak alam kong malaki ang pag kukulang ko sa inyo pero hayaan mo naman na makabawi ako sa inyo"ani Papa
"Hindi na kailangan Pa ngayon pa kung kelan sanay na kaming wala yung presensya niyo Pa ilang taon na ba ang natiis mong iwan at ipag palit mo kami"galit na sabi ko sakto na dumating yung service namin.
Agad kong iniwan si Papa alam ko hindi maganda ang inasal ko pero hindi ko na din napigilan ang ilang taon na sama ng loob kay Papa.
"Deeanne ayos ka lang?" Tanong ni Natalie
"Mali ba yung ginawa ko hindi ko lang napigilan ang sarili ko"sabi ko
"Deeanne kaya mo yan"ani CandaceGabi na nang makarating kami ng Quezon ako ang huling hinatid dahil mauuna na madadaanan ang kela Natalie at Candace.
Pag pasok ko ng bahay ay tulog na ang mga anak ko pati si Mama tanging si Darren na lang ang gising.
"Darren bat gising kapa anong oras na!"sabi ko
"Ate matatapos na din po ako para maipasa ko na po bukas"sabi nito
"Para saan ba yan?"tanong ko
"Ate nag apply ako ng scholarship para college ko"sabi nito
"Pag butihin mo ang pag aaral ha"sabi ko
"Don't worry Ate pag nakatapos ako ako na mag papaaral sa kambal"nakangiting sabi nito
"Oh sya tapusin mo na yan para maka pag pa hinga kana goodnight bunso"sabi koPumasok ako sa kwarto namin ng kambal at nakita ko na nagising si Mama
"Anak andito kana pala kumain ka na ba?"tanong ni Mama
"Opo Ma"sabi ko" pahinga na po kayo Ma ako na po bahala sa kambal"dagdag ko
"Sya matulog ka na din alam kong mahaba ang byahe niyo kanina"ani Mama at lumabas na ng kwarto.Ako naman ay agad na nag shower saglit at tinabihan agad ang mga anak ko na agad kong niyakap ang mga ito.
Naalimpumgatan ako ng magising si Drake.
"Mama dede"antok na sabi nito agad ko itong pinadede sa akin meron pa naman nalabas kahit papaano dahil dalawang taon pa lang naman ang kambal.
Habang nadede ito sa akin ay agad na naka tulog ito.
"Mahal na mahal ko kayo mga anak yung kakulangan ng Tatay niyo sa inyo si Mama ang mag pupuno"sabi ko habang tinatapik ang binti nito.
Nagising ako sa panay halik ng kambal sa akin.
"Mama gising na kaw"ani Deina
"Gising na si Mama"sigaw ni Drake
"Morning mga babies ni Mama"bati ko at pinag hahalikan ko sila tanda na sobrang pag ka miss ko sa kanilaMasaya kaming lumabas ng kwarto habang naka hawak sa akin ang dalawa na akala mo iiwan ko uli sila.
"Aba grabe naman ang hawak nila sayo Ate"ani Danica
"Sinabi mo pa akala ata iiwan ko uli"natawang sabi ko
"Drake dito ka kay Tita"tawag nito
"Yaw ko baka alis uli si Mama"takot na sabi nito
"Baby hindi na aalis si Mama kung aalis si Mama papasok lang ako sa work"sabi ko
"Talaga Mama di ka na aalis tagal?"tanong ni Deina
"Hindi na anak"sabi ko
"Yehey di na alis Mama tagal"masayang sabi ni Drake na kinatawa namin.Agad kong pinakain ang dalawa kahit anong kuha ni Danica isa sa kambal ay ayaw bumitaw sa akin kaya sumuko na din ito sa mga pamangkin.
Dahil monday pa ang balik ko sa trabaho ay bumawi ako sa tatlong araw na hindi ko nakasama ang mga anak ko.
Kahit ng dumating ang mga pinsan ko ay hindi sumama ang dalawa at natawa na lang sila Kuya Dexter dahil hindi daw sila pinansin ng kambal lalo na si Drake.
Masaya kong tinignan ang anak ko na nakiki pag laro sa Tito niya dahil sa wakas daw pinansin na daw sya ng pamangkin habang si Deina ay ayaw mag palapag.
"Deina ayaw mong makipag play kela Tito mo?"tanong ko
"Mama ayaw dito lang ako"sabi nito habang nakayakap sa akin
"Mmm nag papa lambing ang baby ni Mama"sabi ko at pinag hahalikan ko ito
"Love you Mama"lambing nito
"And i love you too Deina"sagot ko naman dito at ayun ang na datnan ni Mark sa amin."Aba ang sweet naman baby namin halika kay Tito Ninong may bibigay ako"tawag nito
"Yaw ko dito ako kay Mama ko"naka pout na wika nito
"Ayaw mo talaga nito"sabay pakita ng Jollibee
"Wow Jollibee"sigaw nito
"Kiss mo muna si Tito Ninong Deina"sabi nitoAgad na bumaba sa lap ko ang anak ko at hinalikan sa cheek ang Ninong niya.
"Walang trabaho?"tanong sakin ni Mark
"Wala rest day Monday pa ang balik ko ikaw walang gawa sa shop?"tanong ko naman
"Kakatapos lang kaya iniwan ko muna sila doon"sabi naman nito "balita ko nag kita daw kayo ng tatay ng kambal?"dagdag nitoTumango lang ako sa kanya
"So anong sabi?"tanong nito
"Kinakamusta mga bata at gusto niyang makita pero syempre hindi ako pumayag although may karapatan sya sa mga anak ko dahil sya parin ang tatay nila pero ewan ko siguro hindi pa ito yung time para makilala sila ng kambal"sabi ko"Deeanne alam mo naman na handa akong maging ama ng kambal at alam mo naman na matagal na akong may pag tingin sayo"sabi nito
"Mark salamat pero alam mo naman ang totoo na kasal ako, at kung mapawalang bisa man ang kasal namin sa totoo lang takot akong pumasok sa isang relasyon ang gusto ko lang ang pag tuunan ang mga anak ko sila muna bago ako sana maintindihan mo"sabi ko sa kanya
"Alam ko pero andito lang ako para sa inyo ng kambal hindi na iba sa akin ang kambal"naka ngiting sabi nito
"Thank you"tipid na sabi ko at nakita ko si Deina na puno ng sauce ang muka"Anak ang dungis mo na"sabi ko maging si Drake kaya pinunasan ko ng tissue ang pisnge nito
Matapos kumain ng dalawa ay nilinisan ko ang mga ito saka dumeretso sa kwarto namin saka pinatulog dahil oras na ng tulog nila sa hapon.
Mabilis lang naka tulog si Drake si Deina naman ay nadede sa akin hanggang sa makatulog na din ito
Habang tinitignan ko ang mga anak ko na natutulog saka ko naisip kung tama ba na pinag kait ko sila sa Tatay nila? Tama ba na hindi ako pumayag na makilala ng kambal, alam ko darating ang araw na hahanapin ng mga anak ko ang tatay nila at hindi ko alam ang gagawin ko.
Gustuhin ko man pero hindi ko kaya ayaw kong makarinig ang mga anak ko na pag disgusto lalo na sa pamilya ni Miguel.

YOU ARE READING
My Runaway Husband (COMPLETED)
RomansaWhat if hindi ka nagustuhan ng pamilya ng boyfriend mo especially Mommy niya. Dahil ba hindi kilala ang pamilya niya dahil ba isa ka lang scholar sa pinapasukan mong kilalang university. Si Deeanne Lorrice Sandoval isang beauty and brain na naka pas...