Itinulak ko ang pintuan at nag lingunan naman ang iba sa gawi ko. At nung makita ako nung manager ay agad siyang lumapit saakin para batiin ako.
"Good morning, Doc" I smiled and greeted her back with my smile.
"Si Nally? Is she there?" Nilingon ko ang second floor ng restaurant na kung saan ay madalas siya
"Nag out of town po sila kasama sila Mr. Dwight at Shiloh" Tumango tango ako at naglakad patungo sa counter. "The usual po ba?" She added.
Nang wala akong magustuhan sa menu ay tumango nalang ako. Kinuha ko ang wallet saaking bag at ibinigay ang aking card sakanya.
She's been so busy with her family since then. Minsan nga ay hindi na siya nakakasama sa paglabas namin and we understand that. Bumalik na rin sa dati ang En' kitchen na akala namin ay tuluyan ng mawawala. And I'm happy where she is now.
Si Yvough naman ay ganon din. She already decided to expand her Yvoutique here in the Philippines which is a big convenience for us. Aba ang hirap mag pabalik balik ng US para lang mag shopping kaya.
At si Florence naman ay ewan ko ba sa isang yun kung ano ang pinagkakaabalan sa buhay dahil palagi nalang wala. Everytime na makukumpleto sana kami ay siya naman ang palaging kulang. Kung minsan man ay nakakatampo na ay wala naman kaming magawa kundi ang intindihin nalang. Sabi ni Yvough ay napapadalas daw ito sa ibang bansa.
"Please wait your order nalang po sa receiving area" Tumango ako kasabay na pag kuha ko ng card sakanya.
Nagtungo ako sa waiting area at sumandal sa counter. I crossed my arms over my chest while roaming my eyes around.
Napatingin ako sa pintuan ng marinig kong may pumasok doon. At laking gulat ko ng makita ko ang isang iyon.
"Buhay pa pala ang isang ito" I whisper
He's wearing his usual black coat and tie. Umaalingawngaw din ang tunog ng kanyang brown leather shoes sa buong restaurant. Halatang bagong gupit ito dahil sa linis ng pagkaka-undercut ng kanyang buhok.
Nagtungo ito sa counter at satingin ko ay hindi niya pa ako napapansin hanggang sa gumawi na ito kung nasaan ako.
"Long time, no see," I said while smirking and he smirked at me back. Tumayo naman ito sa gilid ko at sumadal din.
"I didn't expect to see you here again" Napailing ako ng marinig ko ang malalim niyang boses.
"Well, likewise" Nagkibit balikat ako at bahagyang natawa. "How are you, anyway?"
"Fine"
Napairap ako ng hindi manlang niya tanungin kung ako ba ay kamusta na. Napaka walang kwenta niya talagang kausap pagkatapos niya akong gamitin. Kaya hindi kami nag work ng isang ito eh.
"Here's your order Doc Jariah" Nilingon ko ang nagsalita at nginitian ito kasabay ng pagtanggap ko saking kape.
"I'll go ahead" Paalam ko sakanya and he just nodded his head as his answer.
Paglabas ko ng restaurant ay napailing nalang ako ng may maalala. Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ko nagawa ang mga bagay na iyon na dapat ay hindi naman.
BINABASA MO ANG
Tormented by Wind (Essence Series #3) (ONGOING)
Aktuelle Literatur[On going](ES#3) Crystal Jariah is a very hardworking student because she has goals in her life. Is to get her diploma and to cure her mother in her sickness. Until Luke Asher comes into her life and everything becomes like a tornado that passed in...