19

3 2 0
                                    

Hindi ko na ginawa pang sulyapan si Luke nung lagpasan ko siya. Pagsakay ko saaking sasakyan ay chaka ko palang sila muling tinignan. Nakatingin lang sila hanggang sa pag andar at paglayo ng aking sasakyan.

Hindi kalayuan kung saan ako nag tatrabaho kaya nakarating din ako agad. It's not famous like VMH but its still fine, ang mahalaga ay may trabaho ako at naggagampanan ko ng mabuti ang misyon ko.

"Hi, Doc" Nurse Anne politely greeted me.

"Hello," I respond.

Nagtungo ako saaking office at nupo saaking swivel chair. Saglit pa akong natigilan ng parang familiar saakin ang nangyare. Nagkibit balikat ako at isinawalang bahala iyon.

I did my work well, as usual hanggang sa matapos iyon. Umaga na nung makauwi ako sa bahay, I bought it 5 months ago. It's a private subdivision na sobrang higpit ng security kaya walang gaanong nakakapsok at hindi iyon kalayuan kung saan ako nag tatrabaho kaya nagustuhan ko agad.

It's a simple 2 storey house at merong parking kung saan kasya lang ang aking sasakyan. Wala akong gaanong kapitbahay dahil medjo may kamahalan din ang presyo sa subdivision na ito.

I do my usual thing for almost 4 months living here. Uuwi sa umaga, kakain, matutulog at kanibukasan ay papasok ulit. Nasanay na rin akong ganon ang routine ko kaya hindi ko na din nagagawa pang lumabas katulad ng nakasanayan ko noon.

And today I'm going to work again. I wear my denim high-waisted jeans paired with my white button-down shirt. Nag sneakers nalang din ako para casual lang.

Bumaba ako ng aking sasakyan habang nakakawit saaking braso ang aking white coat. Pagpasok ko ay binati ako ng mga nurses na nakasalubong ko.

"Good morning Doc"

Bati saakin ni Dra. Natalya. She's also in my age kaya halos magkasundo din kami sa lahat ng bagay but we don't have a chance to go out together dahil sa busy schedule.

"Good morning. Out mo na?" Tanong ko at pinakita niya lang saakin ang kanyang dalang bag. "Ingat ka"

"See you tomorrow" Tumango ako sakanya at naglakad na patungo sa lift.

May ilan akong pasyente na nakasabay sa elevator at ang ilan doon ay mga bata. Nakangiti nila akong kinawayan kaya ganon din ang ginawa ko.

I decided to change my residency from surgical doctor to pediatrician. Masaya naman ako sa naging desisyon ko at hinding hindi ko iyon pag sisihan.

"Doc may bisita ka" Nilingon ko si Hanna nung salubungin niya ako.

"Sino daw?" Nagtataka ko siyang tinignan.

"Pogi, Doc. May boyfriend ka pala" Bakas sa boses niya ang pangaasar kaya napairap nalang ako sa kawalan.

Hindi ko na siya sinagot at pumasok na sa loob at agad akong natigilan ng nakita ko si Luke sa loob. Prente siyang nakaupo sa sofa at saktong nagtama ang aming mga mata.

"Why are you here?" Malamig kong tanong sakanya.

Nagiwas ako ng tingin sakanya at nagtungo saaking upuan. I check all of the medical record ng aking mga pasyente bago ako maupo. Nararamdaman ko ang titig saakin ni Luke pero hinayaan ko lang siya at inabala ang aking sarili sa ginagawa.

Ilang minuto kaming ganon at mukhang hindi na siya nakatiis at talaga namang hinampas ang aking lamensa kaya napalingon ako sakanya. Kitang kita ko ang galit at inis saknyang mg mata.

"What's your problem?" Pinakita ko sakanyang hindi ako apektado aa presensya niya.

"Why did you leave?" Walang pagaalinlangan niyang tanong.

Tormented by Wind (Essence Series #3) (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon