07

2 2 0
                                    

Walang nagsasalita saaming dalawa. Pinagpatuloy niya naman ang pagtatalop ng mansanas na hindi natapos ni Fei kanina dahil pinauwi niya.




"Do you want something else?" He asked. Itinulak niya papalapit saakin yung table kung nasaan nakapatong yung mansanas.




"Palagi ka dito?" Walang reaction niya naman akong tinignan "Like, your favorite spot every time you are here?"




"Matulog ka na" Tinalikuran niya ako at nag tungo sa sofa para doon maupo.




"Kagigising ko lang, matutulog nanaman" I rolled my eyes "Come on, Luke kaylan mo ba matatanggap na kapa-"




"Fuck" Dabog siyang tumayo at lumabas ng kwarto.




Ako naman ay napangiwi nalang dahil sa biglaang pag walk out niya na iyon. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagkain ng aking apple. At hindi nag tagal nung bumukas ulit ang pinto at niluwa noon si Luke na may tulak tulak na wheelchair. Palihim akong napangiti hanggang sa makalapit siya saakin.




"After this matutulog ka na"




"Okay" Masayang nag okay sign pa ako sakanya.




Inalalayan niya akong tumayo kahit na kaya ko naman. Pagkaupo ko sa wheelchair ay inayos nga pang mabuti ang tapakan ko.




"Where were go to?" I asked again.




"Bakit ba ang dami mong sinasabi?"




"Bugnutin" Bulong ko na halos sa sarili ko ay hindi ko na marinig iyon.




Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin at hahayaan ko lang siya. I still tryst him over what happened to us. Hindi niya naman iyon kasalanan dahil parehas lang naman kaming biktima dito. Alam ko ding nasabi niya lang iyon dahil may dahilan siya. And I'm hoping after all of these he'll understand everything.




Dinala niya ako sa rooftop ng Hospital and even I, I can't stop myself not to amazed how beautiful the place is. Kung hindi ko alam na rooftop ito ng Hospital ay masasabi kongpara akong nasa ibang lugar.

Tormented by Wind (Essence Series #3) (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon