22

1 0 0
                                    

Siya ang nag maneho kaya hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nagising nalang akong nag aagaw na ang liwanag at dilim. Saglit pa ang natigilan ng mapansin kong hindi familiar saakin ang lugar kung nasaan ako hanggang sa maalala ko ang nangyare kagabi.

Nang maramamdamn ko ang mabigat na kung ano saaking tiyan ay tinignan ko iyon. At hindi ko naiwasang hindi mapangiti nang makita ko ang mahigpit na pagkakayakap saakin ni Luke.

Tumagilid ako ng higa para matignan ko siya ng maigi. He is like a baby, peacefully sleeping from his cry the whole night.

"Mukha ka namang mabait pag tulog" Gustong gusto kong pigain ang kaniyang matangos na ilong kaya ganon nalang din ang pagpipigil ko saaking sarili.

Inangat ko ang aking kamay patungo sakanyang pisngi at marahang hinimas iyon para hindi siya magising. Piang landas ko ang aking daliri sakanyang mga kilay pababa sakaniyang mga mata na may mahhabang pilik mata. At nang dumapo ang aking mga daliri sakniyang labing bahagyang nakabuka ay hindi ko alma kung anong spirito ang sumapi saakin para halikan iyon.

Nanatili akong ganon bago ko maisipang tumayo pero bago ako tuluyang makababa sa kama ay may brasong pumigil saaking bewang. Parang gusto ko nalang magpalom sa lupa dahil sa sobrang kahihiyang ginawa.

"Saan ka pupunta?" He asked with his morning voice. Mariin akong napapikit bago ko siya lingunin. Naabutan kong nakapikit pa ito na para bang bitin na bitin pa sakanyang pagtulog pero nandon ang nakakaoko niyang ngisi.

"Matulog ka pa" Nilingon ko ang orasan at 6 am palang ng umaga. And I bet in this hours patulog palang ang isang ito.

At hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Hinila niya ako pabalik muli sa pagkakahiga at sa kaniyang ibabaw ako bumagsak.

"Good morning" Sabi niya habang mapupungay ang mga mata na nakatingin saakin "How's your sleep?"

"A-ayos naman" Kabadong sagot ko sakaniya. Nag iwas ako sakaniya ng tingin pero siya tng hinawakan ang aking baba para ibalik iyon.

Hindi ito nagsalita at nanatili lang na nakatitig saakin. Habang ako naman ay hindi na magkamayaw ang kung ano saaking tiyan. HIndi ko tuloy alam kung paano ko siya titignan.

"I love you" I heard him whispered in my ears. "I can't wait to wake up every morning beside you"

"We will," I gave him an assurance smile "It will happen"

Hinalikan ko siya sakaniyang pisngi bago ako bumangon. Saglit pa itong pumikit bago tuluyang bumangon. Agad naman akong nag iwas ng tingin nang mapansin kong wala pala itong pang itaas na suot.

Nakita ko na iyon noon pero hindi ko inaasahan ang sobrang laking pinagbago nang hubog ng kaniyang katawan.

Ngayon ka pa talaga mag papaka Maria Clara, Jariah?

Nang muli kong nilingon si Luke ay suot na niya ang suot na tshirt kagabi. Tumayo ito at lumapit sa gawi ko. Tinanggap ko naman ang nakalahad niyang kamay saaking harapan.

Magkahawak ang aming kamay na bumaba. At nang dumating kami sa living area ay agad akong napaisip nang naging familiar saaking ang design ng buong kabahayan.

"You like it?" Hindi makapaniwalang nilingon ko siya.

"Sayo ito?" Umiling ito kaya agad akong nagtaka.

"Satin" May kinuha ito sa likod na bulsa ng kaniyang pantalon at ibinagay saakin iyon. Nang tanggapin ko iyon ay nakita kong susi ng bahay. "Ito palang ang mabibigay ko sayo sa ngayon, and I want you to keep it for us"

"Seryoso ka ba?"

"I may be a jerk because of all what I've done to you, but this time let me compensate with you and do my promise" Nginitian ko siya at niyakap ng mahigpit.

Tormented by Wind (Essence Series #3) (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon