Vos

6 0 0
                                    

Ka musta, na may kasamang pag husga
Tama o maling gawin, di makaka ubra
Ubos na, hinanaing na binulsa
Pagkakahulma, pilit kinukurba

Halika, Halina, sa mundong kong binida
Intriga, Mali ka, sariling isipan
Iisiping ikaw ang bida, sa mundong sarili din ang kontrabida
Malisya?, mali ka, Tunog ng lira

Pakinggan mahina, sing lalim ng mina
Pila pila, sa isipan ko'y naka lista
Hinahanap ang mali, kahit perpekto na ang linya

Kuntento, Perpekto, Depekto
Di makuntento, sa buhay pintero
Sariling ukit, at kumento
Bakit ba gento?
Inggit sa pagkatao, di tanggap ang pininta mo

Inukit ng diyos, ramdam moy pagkalaos
Tanggalin ang inggit at poot, gawin bida ang sarili
Kontrabida'y ilaos, tuloy ang buhay wag hanapin sa kapos

Matuto makuntento, sa itsurang pinatos
Lahat ng nasa daan tabi, tanggap na ng lubos, na dina malalaos
Kaya sa pag tatapos, tinaggap ko ang sariling unos

Unos na ikaw ang bida ng buhay mo at walang alinlangan, kudos!

MASAKIT ANG TOTOO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon