Sa aking pananaw, lumaya sa kawalan
Bigyan ng pansin yung akala nila'y wala
Pera o sarili, mamili sa dalawa
Sa akin lamang, isipin sarili'
Tumalon sa saya
Laging isipin, pinanganak na malaya wag hayaan 'ipagkait ng iba.Oo, bansang sensitibo, progresibo
Dimaka wala sa libo, libong sabi sabi ng mga tao
Husgahan para maging pabibo, hugas kamay para mag mukhang matalino
Sa bansang ito madaming agresibo, ngunit ang kalayaan ay dapat gamitan din ng talino.Makitid ang utak ng mga taong di matanggap ang pagbabago
Malabo ang pagiisip ng taong madumi ang pagiisip.Ang punto nito kung gaano ka kitid ang utak ng iilan.
Di tanggap ang pagbabago, kasi ang kalayaan ay para lang sa iilanHindi mo kailangan baguhin ang sarili, para tanggpin ng mga hurado.
Tanong parin sa lahat, pera o sarili
Mayamang tumanda sa hilig, nakuha buong mithiin
Kalayaan ay para lang daw sa nakaangat, hindi makakarinig ng huniBasahin mabuti, bigyan pansin at mahuli
Bansang pilipinas, pinalayang mabuti
Bunyi sa lahat, ito ang kanilang wariNgunit bakit ganon, sa iba'y hindi parin ito maaari.
Baguhin ang sistema, o baguhin ang ideyolohiyaPera'y basihan parin nga ba, o mga sarili lamang ang problema.

BINABASA MO ANG
MASAKIT ANG TOTOO
PoesieAking sisimulan para sa bulag bulagang kaisipan. -------------- 9 Thoughts Free Verse Poem