Facio

10 0 0
                                    

Teka, Heka, Ito'y magandang Tema
Bida, agaw eksena, relasyong parang gasera
Taas bandera, at suko na sa gera.

Walang ka kwenta kwenta, higpit ng pagkakatali
Mala sintas, sa magkabilang swelas
Bwenas, sa taong na tapat sa may dala dalang rehas

Limitado, Permiso, akoy isang piso
Sa bulsa ni mang Isidro, susi'y nandito
Kita bawat galaw, kita pati sintido
Bisyong manginis, para mabigyan kang perwisyo

Balik sa permiso, sanay naintindihan ninyo
Sumuko sa gera, pagkat tinuring na parang piso
Alam mong nasayong bulsa kayat siguradong iyo'ng iyo

Relasyong Militar, kailangan ng direktibo
Matutong kumawala, at maging agresibo
Hindi kailangan ng permiso, kung tiwala'y epektibo

Balikan mabuti, pano ang isang sintas at piso'y, minay ari ng kunsino
Pinong pino, Kilo kilo
Damdaming tiniis ko

Kung tiwala'y na bili ko, labas ng libo libong piso
Para sa permisong, hinihingi ko
Pasensya, akoy tinuring mong piso
Kalayaan, pinagkait mo
Di palaging ganito to
Tataas bandera pag pagod to
Lilisan ang sagot ko.

MASAKIT ANG TOTOO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon