Disciplina

2 0 0
                                    

Aking mundo, gawin lahat ang gusto
Buksan ang pinto, huminga ng husto
Layuan mo tukso, para sa bagong yugto
Susko, wag hintayin ang punto.

Diyos ko, pasensya ng husto

Gusto, mo sana ng pagbabago
Bugso, ng damdamin ay sasabog
Tukso, ang gawin ang di sangayon
Multo, ng nakaraang binaliwala mo

Sanay sa gawing, inalagay ng tao
Hindi tama, pero ginagawa mo
Ngayon, ika'y sobrang kabado
Panahong, inabuso at pabago bago

Tubig, nagbibigay kulay
Bundok, nagbibigay gulay
Hangin, nagbibigay buhay

Ikaw na pakahusay,
Sunod na henerasyon, sila'y magdurusa
Sa simpleng gawi, sa pagtapon, pag hukay
Sa tanim ng buhay, samahan ng kaisipang makulay

Sa bagong henerasyong, magbibigay tunay
Sa simpleng gawa mo lang, mundo'y mabubuhay.

Tayo kapatid, gamitin ang husay
Itapon ang mali, itama ang gawi
Tara dali, upang walang masawi.

MASAKIT ANG TOTOO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon