Masakit talaga, di maalis pagkakaila
Anong kulang saken, na meron sila
Inalay oras at sarili, sinayang malala
Umasang may oo, sa wala talagaNgunit, tignan sa bandang kabila
Baka di para saken, mabuting ito'y sa iba
Tadhanang ikaw at ako'y, malabong idikta
Hindi para ngayon, sana bukas pwede naDi lang sa pag ibig sinta, sa mga pagkakataong nakapinta
Nakasulat na tinta, di sayo at para sa iba
Tadhanay tinanggi na, pagkakataong nakalista
Oportunidad natin, mala durog na pamintaPinunto ko lang to, sana maintindihan mo
Tinanggihan ka ng mundo, di ka kinalimutan nito
Isipang magulo, ayusing mabuti ito
Di natatapos ang buhay, laging tatandaan mo.Darating din ang para sayo, wag susuko sa panahong ito
Sarili mo lang ang iyong ginto, pano ka magisip sa bagay na medyo balikoLaging tandaan na may para sayo, maging matapang na parang liyon
Wag maging hadlang, pagtangging ginawa nila noon
Sa tamang oras ibibigay yon, nang nagiisang Panginoon.
BINABASA MO ANG
MASAKIT ANG TOTOO
PoetryAking sisimulan para sa bulag bulagang kaisipan. -------------- 9 Thoughts Free Verse Poem