Kurbang linya, laging ibida
Magandang pabida, sa kaibigan at pamilya
Yanigin natin, positibong inerhiya
Buhay mo'y bigyang halaga, gawin tong istratehiya
Laging positibo, progresibo
Pagiisip na negatibo, alisin dito
Filipino, dugong agresibo
Kalamidad dito, ngiti panlaban, mismo
Bisto, pagtingin ni tirso
Sa babaeng nag nga ngalang vispo
Listo, kitang kita sa ngiti ni iho
Ni piso, bulsa ko dito
Retiro, sa inerhiyang negatibo
Ulan, lindol, walis sa filipino
Alis ka dito, oras ihinto
Sa isang ngiti kahit may delubyo
Pag ka filipino, taas noo para dito
Ugali mismo, nagtatak sa buong mundo
Kahit sino, ang hiling ko
Ilaganap positibo, sa buong mundo
Kahit hanggang dulo, kita ngiting filipino.
BINABASA MO ANG
MASAKIT ANG TOTOO
PuisiAking sisimulan para sa bulag bulagang kaisipan. -------------- 9 Thoughts Free Verse Poem
