Arbitrium

2 0 0
                                    

Aking sinta, dikit parang linta
Sa isang pirma, ang syang magpipinta
Desisyong ito ang mag didikta
Sa buhay ko at buhay ng iba.

Bawat tinta, importante sa kanila
Di alam kung saan papunta
Sa bayan ba o sariling bulsa
Pinili ko, pagsisisihan ba?

Payo ko sayo, pumili ng isa
Tunay, kulay, sa buhay ng bansa
Kita ang gawa, di tago sa madla
Iilan nalang, kwalipikado sa kanila

Maging matalino, para di pagsisihan diba
Wag papagapi sa sabi sabi ng iba
Kahit salapi, wag papabulag sa kanila
Isipin lagi, para sarili at bansa.

Tandaang mabuti, sa isang tinta
Babaguhin bigla, ngayon, bukas
Pagising, walang pagsisi diba.
Basta tunay ang pinili, at di galing sa iba.

MASAKIT ANG TOTOO Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon