Unang Kabanata

7 0 0
                                    

Madilim

Masikip

Mainit

Ilan lamang iyan sa aking nararamdaman sa mga oras na ito. Mula sa aking pagkakahiga ay pinilit kong ibangon ang aking katawan upang maupo. Sa mga sandaling ito ramdam ko ang pawis na dumadaloy sa bawat parte ng aking katawan. Mula sa noo, likod dibdib at tiyan ramdam ko ang pagdausdos nito pababa sabayan pa ng malalalim na paghinga na aking ibinubuga.

Dapit hapon na pala ni hindi ko namalayan ang oras. Mula sa bintana ng maliit na silid ay matatanaw ang nag aagaw liwanag na kalangitan. Ilang sandali pa at ang kapaligiran ay tuluyan ng babalutin ng kadiliman.

Kadiliman na para sa iba ay katapusan subalit sa katulad kong napagiwanan ng pagbabago na siyang nagpapagulo sa aking isipan ay isa itong kapayapaan.

Ang bilog na bilog na buwan ay unti unti na ring nagliliwanag sa gitna ng nag aagaw na kalangitan. Higit ang pagmamahal ko sa buwan kesa sa haring araw. Ito ang saksi sa bawat hirap na aking pinagdaraanan at sa bawat luhang nag uunahan mula sa aking mga mata ito ang nagsilbing sandigan.

Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago tuluyang lisanin ang higaan. Panibagong gabi upang muling mapagod. Hindi man patas isipin subalit ang katotohanang hindi naman pare parehas ang estado ng bawat tao ay sapat ng dahilan upang kumilos

Dalawang oras lamang ang itinagal ng tulog ko ng masilayan ko ang kamay ng orasan na nakasabit subalit heto na naman ako muling makikipagsapalaran sa hindi patas na mundong ating ginagalawan. Ang dalawang oras ay hindi sapat upang magpatuloy ngunit may pagpipilian ba ako ?

"WALA"

Mula sa hindi kalakihang aparador ay agad kong binuksan upang ihanda ang mga damit na aking susuotin bago tuluyang maligo.

Hindi ko maiwasang mapaisip, mula sa aking narinig na ang pagligo ay nakakatulong  upang kumalma ang utak sa mga kaisipan subalit bakit parang saakin ay hindi ito tumatalab?  Wala parin tigil ang utak ko sa pag iisip sa mga bagay bagay at problemahin ang mga walang kwentang bagay na tumatakbo sa aking isipan. Tulad nito.

Alas sais na ng hapon ng tuluyan akong matapos, ilang minuto pa at mahuhuli na ako sa aking trabaho.

Agad kong isinara ang pintuan ng aking kwarto, at bago pa man ako tuluyang makalabas ay hindi ko maiwasang mapasulyap sa litratong nakapatong na may nakangiting batang babae habang kalong kalong ng kanyang inang may matatamis na ngiti, sa kabilang banda ay nakatitig dito ang isang lalaking at mababakas dito ang labis na pagkahumaling at pagmamahal nito sa mag ina. Nag mimistulan itong perpektong halimbawa ng isang masayang pamilya subalit ang bawat litrato ay minsanan ding mapanlinlang na kung saan ang inaakala mong masaya ay nababalot ng kalungkutan at kasinungalingan.

Napailing nalamang ako sa kaisipang iyon saka tuluyang nilisan ang tahanan.

"Criselda ! Finally you're here ! Paki serve naman nito sa table na yon please !" bungad agad saakin ni Freya ni hindi ko pa manlang naiibaba ang bag na nakasukbit sa aking likuran.

Walang sali salita kong ibinaba ang bag sa counter at saka tuluyang kinuha ang tray na hawak nito na naglalaman ng pulutan at beer.

Freya is one of my workmate. Katulad ko ay working student din ito subalit magkaiba kami ng eskwelahan na pinapasukan. Sa estado ng buhay halos marami kaming pagkakaparehas. Parehas na kumakayod para sa pera, nagsasakripisyo para makatapos upang magkaroon ng kakayahang harapin ang malupit na mundo. Subalit di tulad ko na tanging sarili lang ang tinutustusan sya naman ay buong pamilya niya.

"Ito na po ang order nyo, 2 bucket of beer and 2 orders of sisig." saad ko habang inilalapag ang dala ko.

" Wait where's Freya? I thought she's the one who will bring our orders" anang lalaki, lima sila magkakasama subalit ang isa sa kanila ay hinahanap ang presensya ni Freya.

When Dreams Become RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon