Hindi ko maunawaan kung anong dahilan o rason upang paulit ulit na magpakita ang imahe ng lalaking iyon sa aking panaginip.
Ang isang beses ay nasundan pa ng hindi mabilang pagkakataon na magkita kami sa bawat aking pag tulog.
Bawat panaginip na kasama ang lalaking iyon ay tila makatotohanan. Lagi nitong hawak ang aking kamay at ayaw bitawan, lagi rin itong nakangiti saakin na para bang ipinararating na lagi lamang siyang nandiyan para saakin at ang kakaibang pakiramdam na ibinibigay nito saakin ay lubha kong ikinababahala.
Sa totoo lang ang kakaibang pakiramdam na ito ay ang pagkaenganyo ko. May parte saakin na nais ko palaging makatulog, nag babakasakali na muli itong masilayan at makasama sa kabila ng walang kasiguraduhang kagustuhan.
"Tulala ka na naman!"
Bigla akong natauhan sa biglang pagdating ni Ken. May dala itong pagkain mula sa canteen at kasalukuyan kaming nasa Garden ng Campus na paborito kong tambayan bukod sa malilim dahil sa mga nagtataasang puno ng mahogany ay tahimik din dito dahil iilan lamang ang mga estudyante.
"Bakit ka andito?" tanong ko dito saka sinubukang buklatin ang librong kanina ko pa sinusubukang basahin kung hindi lamang pumasok sa isipan ko ang lalaking nasa aking panaginip.
"Vacant may meeting daw" sagot nito saka dahan dahang naupo sa tabi ko
Hindi ko maunawaan kung sa paanong paraan bigla nalang kaming nagsama nitong si Kenneth. Simula ng aksidente naming pagkikita habang papalabas ako ng campus ilang buwan na ang nakakalipas ay nasundan na ito ng maraming beses.
Palagi na nito akong kinukulit laging bumubuntot kahit saan man ako magpunta kahit sa Bar na pinapasukan ko ay napapadalas narin ang pagtambay nya. Nung una ay naiirita ako sapagkat hindi ako sanay sa ginagawa nito.Hindi ko makakalimutan yung araw na napagtaasan ko ito ng boses upang komprontahin sa mga pagsunod sunod na ginagawa nito.
Flashback
"Can you please stop following me! Ano bang trip mo ha! " inis kong sigaw dito habang nasa parking lot ng TWSC alas dos ng madaling araw
Napatingin ito saakin na tila ba nauunawaan nito ang aking tinutukoy na dapat ay alam niya talaga.
"Hindi ka naman bingi diba? Gusto kong maging kaibigan ka ! Masama ba yon? bwelta din nito saakin
Nag iinit na ang ulo ko at kumukulo na ang dugo ko sa sobrang inis sa lalaking ito subalit pilit kong pinapakalma ang sarili.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ko nga kailangan ng kaibigan! Tanga ka ba para hindi maintindihan?" sagot ko dito , pagod na pagod na ako pero hindi ko rin alam kung saan ako humuhugot ng lakas upang makipagtalo sa hunghang na ito.
"Bahala ka sa buhay mo, basta ako hindi kita lulubayan dahil starting today u and I are already Friends! Teka correction I am your Bestfriend!" sigaw nito sa harap ko na para bang nang aasar hindi ko alam kung ano bang nakakain nito para gustuhin nitong maging kaibigan ako.
Sa sobrang inis ko ay agad ko itong iniwan sa parking lot at pinaharurot ang motor pauwi upang matulog nagbabakasakaling muling makita ang lalaki pumupukaw ng atensyon ko mula sa panaginip
End of Flashback
Hanggang sa isang araw ay nasanay nalamang ako sa presensya nito. Hindi ko na muling kwinestyon subalit aaminin kong unti unti na rin akong nasasanay sa presensya nya.
Inabot niya saakin ang burger na dala subalit tinitigan ko lamang iyon , bukod sa hindi ako nagugutom ay wala din akong ganang kumain.
"Kukunin mo ba o ako pa magpapakain sayo?" tanong nito saakin habang pangisi ngisi sa harap ko
BINABASA MO ANG
When Dreams Become Reality
RomansaMay mga pagkakataon sa ating buhay na minsan ay kay hirap paniwalaan, guguluhin ang sariling paniniwala mahanap lang ang katotohanan sa binuong ilusyon sa utak. Sa bawat pag higa sa kama kasabay pagpikit ng mga mata nandoon ang pag-aasam na muling...