Ikalawang Kabanata

1 0 0
                                    

Sa unang hakbang na aking inilaan upang makapasok sa bahay ay muli na namang umuusbong ang kakaibang bigat sa aking dibdib na hindi ko lubos na maunawaan.

Sa hindi ko malamang dahilan hindi ko maiwasang sandaling tumigil. Animo'y nais ko na namang ihakbang ang aking mga paa subalit hindi papaloob kundi palabas papalayo sa tahanang ito.

Agad akong napailing at iwinaksi ang kaisipang iyon saka tuluyang tinahak ang silid upang makapagpahinga.

Pasado alas tres na at pagod na pagod ang aking katawang lupa nais na nitong panandaliang humimlay ganoon din ang aking mga mata na kanina pa nagbabadyang pumikit.

Mga matang nakalihis
Subalit ako'y yakap mo
                sayong bisig
Tanaw ang lilang kalangitan
Ngunit ramdam ko ang iyong
               malalim na tinginan.

Nang magsalubong ang
          ating mga mata
Mga labi'y tuluyan ng naglapit
Mata'y namungay at ipinikit
Dinaman ang tamis

Hindi ko alam kung ilang beses ko na itong binabasa buhat ng muli akong magising at bumalik sa realidad subalit ramdam ko parin ang kakaibang kaba na siyang namumutawi sa aking dibdib.

Flashback

Nagising ako ng tumatagaktak ang aking pawis habang hinihingal animo'y totoong nangyari ang lahat.

Yung halik
Lila't kahel na kalangitan
Mapupungay na mata
Yung pagyakap

Lahat ng iyon ay mga pangyayaring tila ba totoo at katatapos lamang mangyari.

Mula sa pagkakahiga ay hindi ko na namamalayang unti unti akong bumabangon at nililisan ang kamang aking pinaghihigaan. Ang panulat at kwadernong nakapatong sa isang mesa ay agad kong inabot saka doon  inilapat ang isang paglalarawan na aking natatandaan mula sa mistulang makatotohanang panaginip na aking naranasan.

End of Flashback

Napasapo na lamang ako sa aking noo habang inaalala muli ang kakatwang pangyayaring yon.

"Criselda Romano, are you with us?"

Bigla akong nagising sa biglaang pagtawa ni Mrs. Mariano, nasa klase niya nga pala ako subalit lutang na lutang ang aking isipan dahil sa panaginip na iyon

"Yes Ma'am I'm sorry please continue" sagot ko bago umayos ng pagkakaupo at pinilit na magpokus sa itinuturo nito, she's one of my major teacher kaya hindi pwedeng mag papetix petix ako.

Agad naman itong tumango saka muling bumalik sa pagtuturo , mabuti nalang at hindi ito masungit gaya ng iba kung hindi ay babatuhin agad ako nito ng mga katanungan.

Makalipas pa ang ilang minuto ay agad na ring natapos ang klase nito.

"Okay Class dismissed! See you tomorrow!" paalam nito bago tuluyang lumabas ng silid aralan dala ang mga gamit nito.

Lunch break na kaya sa mga oras na ito ang ilan sa mga kaklase ko ay nag uunahan ng lumabas habang nag uusap usap kung saan sila kakain.

I have no friends here. Nakakausap ko sila oo pero wala akong itinuturing na kaibigan ni isa sa kanila. Hindi ko alam subalit mas gugustuhin ko pang mag isa kesa magkaroon ng kaibigan.

Nang tuluyan ng mawalan ng tao sa silid ay agad na rin akong lumabas para mag lunch.Sa labas  ako palaging kumakain dahil hindi ko afford ang pagkain sa canteen, naalala ko nung unang beses akong pumasok sa canteen upang bumili ng pagkain para sa pananghalian, halos mapanganga ako sa presyo ng mga pagkain roon. Sa totoo lang ay takaw tingin ang mga pagkaing itinitinda don na talaga namang nakakaenganyong tikman isabay mo pa ang mga usap usapang masarap din ang lasa ng mga yon subalit hindi ako kakain para sa 85 pesos na ulam wala pang kanin at inumin yon.

When Dreams Become RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon