Ika-Anim na Kabanata

1 0 0
                                    

"KC! KC! Crisel ! Wake up sleepy head! Were here!" anang tinig

Mula sa pagkakaidlip ay ang mga katagang iyon ang gumising at nagbalik saakin sa katinuan.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata bago tuluyang ipinukol ang mga tingin kay Ken.

Nasa labas na ito habang nakadungaw mula sa bintana upang gisinging ako sa pagkakatulog.Sa kabila ng mahabang byaheng ginugol ay nagagawa parin ng lalaking ngumiti saakin.

Agad kong binuksan ang pintuan ng sasakyan upang tuluyan ng makalabas. Agad na bumungad ang isang bahay panuluyan na tila mamahalin dahilan para mapabaling ako sa kinatatayuan ni Ken na ngayon ay nag uunat unat dahil sa mahabang pag kakaupo nito.

"Mukhang mahal dito look may pafountain" puna ko, agad naman itong napalingon saakin

"Ako naman ang mag babayad kaya halika na kasi gusto ko ng matulog" sagot nito saakin bago tuluyang kinuha ang gamit nito mula sa likuran sasakyan.

Wala na akong nagawa ng tuluyan nang pumasok ang  lalaki sa loob. Napailing nalamang ako dito bago tuluyang isukbit ang bag sa aking likuran.

"Good evening Sir! How can I help you?" nakangiting bati ng isang lalaki mula sa front desk

"Good evening, 2 room please" Ken said.

Tahimik kong iniikot ang aking mga mata. Maliit lamang ito kumapara sa mga naglalakihang hotel sa Maynila pero hindi maipagkakailang sumisigaw sa kasimplehan with class ang lugar.

"I'm sorry Sir, fully booked na kasi lahat ng mga single rooms dito because of the Music Festival na gaganapin tomorrow" anang lalaking receptionist bigla naman akong napatingin sa gawi kung saan ang mga ito nag uusap

"Oh shoot" saad ni Ken bakas ang pagkadismayado sa narinig, pagod ito sa pagmamaneho kaya I know how disappointing it is.

"Meron pa naman po kaming available but good for 2 to 4 person" agad na segunda ng receptionist, kita ko kung paano natigilan si Kenneth.

"I'm sorry.......

"We'll take it" putol ko sa kung ano mang isasagot ng lalaki . Ramdam ko ang mga matang nakapukol saakin.May bahid ng pag kagulat amg mga ito  subalit mas pinili ko nalamang na huwag na itong pansin

Agad namang ibinigay ng receptionist ang susi at deriksyon ng aming magiging kwarto na siyang agad ko namang inabot dahil parang tuluyan ng nawala sa katinuan si Ken sa naging pasya ko.

Tahimik naming tinahak ang daan papuntang kwarto. Wala ni isa saamin ang nais bumasag sa katahimikang bumabalot sa pagitan naming dalawa.

Pasado ala una na rin ng umaga kaya hindi malabong tulog na ang mga taong naka check in sa bahay panuluyang ito kaya naman tanging yabag lamang ng mga sapatos namin ni Ken ang maririnig sa buong hallway.

Ng tuluyan na naming narating ang pintuan ng aming magiging silid ay natigilan ako sa pag tawag ni Kennenth saakin.

"KC" he called

" Okay lang ba na mag share tayo ng kwarto? We can find another place naman if you want to." alangang saad nito saakin, napahikab nalamang ako sa narinig iyon parin pala ang laman ng utak nito all this time 

"Ipahinga mo yan" sagot ko ng hindi pinapansin ang sinabi nito, bago tuluyang binuksan ang pintuan ng kwarto.

Bumungad saamin ang may karangyaang silid na siyang tutuluyan namin hanggang sa makauwi. Dalawang kamang pandalawahang tao ang naririto.

Agad naman akong pumasok saka inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. It has white interior design with gold lining. It simple yet elegant.

Nakita kong ibinaba na ni Ken ang kanyang mga gamit sa isang sulok bago dumapa sa  kama sa may bandang kaliwa malapit sa bintana na kung saan may nakalaylay kulay gintong kurtina.

When Dreams Become RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon