Ikaapat na Kabanata

3 0 0
                                    

"Marunong ka?" ang naging bungad ni Kenneth saakin ng tuluyan akong makalabas sa banyo.

Hawak nito ang Ukulele ko na matagal tagal ko na ring hindi nagagamit simula ng nagkanda letche letche ang buhay ko.

"Bakit mo pinapakialaman ang gamit ko?" seryoso kong tanong dito bakas naman ang pagkagulat nito sa kanyang mukha dahil sa paraan ko ng pagtatanong.

"I'm sorry wala naman akong intensyon na masama sadyang nakita ko lang ito sa ilalim ng kama mo" sagot nito saakin habang dahan dahang inaayos ang ang pakakaupo.

Wala na akong naging sagot dito , sa hindi malamang dahilan ay tila wala akong lakas na makipag talo ukol sa bagay na hawak niya. Agad kong inabot ang instrumentong hawak niya at muling isinilid iyon sa lalagyan bago ibalik sa ilalim ng higaan. Wala na rin naman itong naging salita sa aking ginawa.

Naupo ako sa upuang nasa gilid bago hinarap ang lalaki na ngayon ay nakahiga lamang sa kama ko.

"Ano bang ipinunta mo dito?" seryoso kong tanong dito, agad naman itong napatingin saakin at muling naupo bago tuluyan akong harapin.

"About the La Union thing" sagot nito

"Hindi ba't sinabi ko nang ayaw ko?"

"Yea I know, but remember what I told you last time? I can pay you just to be with me kahit doblehin ko ang kinikita mo sa bawat pag duty mo sa TWSC" kalmado nitong sagot saakin, hindi ko mapigilan mapatitig sa kanya dahil sa mga titig niya ngayon.

I can't explain how convincing it is.Masyado itong seryoso at kumbinsido na mapapayag ako sa bagay na gusto niyang mangyari. Kung ibang babae ay agad nitong mapapayag sa kagustuhan nito.

Napabuntong hininga nalamang ako ako sa mga nangyayari ngayong umaga. Hindi ako handa sa mga ganitong usapan pero ano nga bang aasahan ko sa lalaking ito. Hindi ito tumitigil hangga't hindi niya nakukuha ang gusto.

"Anong oras ang byahe?" tanong ko bago tuluyang tumayo , hindi rin nakalampas sa paningin ko ang pagliwanag ng mukha sa narinig nito mula saakin.

"Pumapayag kana?" natutuwa nitong tanong, napakibit balikat nalamang ako bago tuluyang tumango.

Agad itong nagtatalon sa kama habang nagsisigaw ng "Yes"na para bang tumama sa lotto.

"Pumayag ako dahil sa bayad na iaabot mo wag kang masyadong magpakasaya hindi ito bukal sa loob ko" turan ko dito bago tuluyang tinalikuran ang lalaki subalit hindi parin maalis alis ang pagkatuwa nito dahil hanggang ngayon ay nagsisgaw parin ito sa tuwa.

" Nakakapagod na maglampaso! wala ka manlang bang pa juice jan?" reklamo ni Kenneth habang pawis na pawis naglalampaso ng sahig.

Kasalukuyan niya akong tinutulungan sa paglilinis ng bahay, dahil gaya ng sabi ko sakanya noong nakaraan kinakailangan kong maglinis ng buong kabahayan dahil tuwing sabado lang ang bakanteng oras ko para sa bagay na ito.

Aaminin kong nakakapanibago ang araw na ito dahil mas sanay ako ng mag isang gumagawa ng mga bagay na ito tulad ng aking nakasanayan ngunit ngayon ay may kasama ako na mas maingay pa sa babae.

Tutol din ako sa pagbubukas nito ng mga bintana subalit wala akong magawa sa kulit na taglay ni Kenneth.

"You know what kaya hindi ka dinadalaw ng swerte e dahil saradong sarado itong bahay mo gaya ng buhay mo na kay hirap lusutan bago tuluyang makapasok."

Iyan ang naging lintanya niya na nakapag paisip saakin subalit hindi ko nalamang pinansin at hinayaan ang gusto nitong gawin dahil baka hindi na kami matapos kapag pinatulan ko pa

Napatigil ako sa ginagawa ko ng mapasulyap ako sa itsura ni Kenneth ngayon, ang white shirt na suot nito ay nababakasan na ng pagkabasa dahil sa pawis, halos bagsak na rin ang buhok nito na tumatakip na ngayon sa kanyang mukha.

When Dreams Become RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon