Ika-Walong Kabanata

2 0 0
                                    

"Ilang order sayo?" tanong ni Ken saakin ng tuluyan na kaming makaupo sa loob ng kainan kung saan kilala daw ang lugar sa may pinakamasarap na Bagnet.

"Isa lang muna" sagot ko dito habang pasimple kong pinagmamasdan ang lugar

"Isa lang? Hina mo naman" mapang asar na saad nito bago tuluyang tinawag ang waiter

"Good day Sir ! Welcome to Casa Isabela, ano pong sainyo?" maligayang bati nito saamin

"Hmm... Tatlong order ng Special Bagnet then two order of steak well done at two glass of orange juice" saad ng lalaki napatingin naman ako dito, hindi ko inaasahang mag papadagdag pa ito ng dalawang order ng steaks

"May gusto ka pa ba?" baling nito saakin, napailing nalamang ako bilang tugon bago tuluyang pinaalis ang waiter

"Sayo lahat yon?" tanong ko dito ng tuluyan ng makalayo ang waiter, natawa naman ito sa sinabi ko dahilan para mapakunot noo ako. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

" Malamang hindi, mukha ba akong mag isa dito at isa pa anong akala mo sakin sobrang takaw?" sagot nito habang tatawa tawa, napailing nalamang ako at hinayaan ito

Muli kong inilibot ang aking mga mata sa lugar, napakalakas maka Spanish Era ng lugar dahil sa interior design nito, ang bawat upuan at lamesa ay yari rin sa mga kahoy. Nakakamangha din ang chandelier na nakasabit dahil sa ganda nitong taglay.

Bahagya naman akong nagulat ng biglang may liwanag na dumaan sa mukha ko dahilan para mapatingin ako sa kaharap ko ngayon.

Hawak nito ang kanyang cellphone at kinukuhaan ako ng litrato. Naging blangko lamang ang tingin ko dito dahilan para mapangiti ito lalo.

"May flash pala hehe" tatawa tawa nitong lintanya, hindi ko nalamang ito pinansin at mas piniling manahimik habang inaantay ang pagkain

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang pagkain namin na agad namang inihain ng waiter.

"Itadakimasu!!!!!!" tuwang tuwa na anas ng lalaki ng tuluyan ng maihain ang pagkain, hindi na rin ako nagpahuli at agad ko narin akong nagsimula.

Hindi ko maipagkakailang masarap ang pagkain nila dito, lalo na itong Bagnet. Hindi na rin naman ako nagtataka dahil ito ang specialty ng bayan ng La Union.

Nang mga oras na iyon, doon ko lamang tuluyang naenjoy ang pagkain, hindi katulad kanina nung kasama namin ang mga kaibigan ng lalaki. Kung anong nadarama ko sa mga oras na ito, sa tingin ko ay nararamdaman din ng kasama ko dahil sa ipinapakita nitong katakawan at kadaldalan sa harap ko.

" Busog na ako! Pero gusto ko pa ng Bagnet!" bulaslas ni Ken ilang sandali pa ang nakakaraan, halos simot na simot ang pagkain sa bawat plato

"Pa take out ka" suhestiyon ko ng hindi ito tinitingnan

"Oo nga no! Ang talino mo" tuwang tuwa na saad nito, napatingin naman ako dito, agad naman akong sinalubong ng mga ngiti nito na akala mo ay wala ng bukas

"Hindi ako matalino, mabagal ka lang mag isip" sagot ko dito, bigla naman itong napanguso na parang bata, minsan talaga napapatanong ako sa sarili ko kung bakit ko ito pinagtatyagaan kasama.

Matapos ang usapan naming iyon ay agad nitong tinawag ang waiter, halos mapatunganga naman ako sa limang order nito, ano yon hanggang pang hapunan?

Pasado alas dose na ng tanghali ng makabalik kami sa resort, naisipan pa kasing mag libot ng lalaki sa lugar at bumili ng kung ano anong souvenir items na matatagpuan din naman namin sa resort na tinutuluyan namin.

Mas pinili ko munang magpahinga ng makarating kami sa kwarto samantalang ang lalaki ay mas piniling mag langoy sa dagat kaya't hinayaan ko nalamang ito.

When Dreams Become RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon