Malayong malayo sa dating nakasanayan.
Saglit na napalitan ang dating nakagawian.
Sa pagmulat ng aking mata agad na itinitig ang mga mata sa kamay ng orasan.ALAS SAIS
Alas sais ng hapon kung saan dapat ay handa na sa pagpasok sa trabaho.
Alas sais na dapat siyang simula ng muling pagkapagod.Subalit kakaiba ang araw na ito para saakin.Gumising ako ng gantong oras upang bumyahe ng walang katiyakan kung gusto ko ba talaga ito.
Para ba sa pera o sandaling pagtakas?
Hindi ko alam kung may wastong sagot.Ang alam ko lang hindi na ako pwedeng umatras hindi na rin pwedeng humakbang pabalik sapagkat ang desisyon ay tuluyan ng nabuo pinagtibay pa ng kaibigan nga bang matatawag na umaasa.
Mula sa pagkakahiga sa kama hindi ko maiwasang mapatingin sa gawing kinaroroonan ng aking bag na dadalhin, simbolo na ang lahat ay handa na at minuto nalamang ang namamagitan ilang sandaling paglisan.
Alam kong nasa labas na ang lalaki, nag iintay saaming nalalapit na pag alis. Matapos gawin ang lahat ng mga dapat gawin sa bahay na ito ay hinayaan nitong magpahinga ako skahit saglit. Alas syete ng gabi iyon ang naging usapan ng pag alis kaya naman agad na rin akong naligo para makapag ayos ng panlabas na sarili na sa totoo lang ay iyon lamang naman talaga ang kaya kong ayusin.
Simple lang ang suot ko hindi pinaghandaan hindi rin pinagaksayahan. Baggy pants na binagayan ko ng black belts sa pambaba, black close fitting tops na pinatungan ko ng checkered na long sleeves sa pag itaas at para sa pang paa nag suot nalamang ako ng white sneakers.
Hindi ko maiwasang mapatingin sa salamin, hindi ko maipagkakailang kahit na anong damit na suotin ko ay parang bumabagay saakin, subalit kung mukha ang pag uusapan hindi ako masyadong nagagandahan kahit napakaraming nagsasabing may pagkamistisa ako na nakuha ko sa aking ina.Sa tuwing naririnig ko ang mga salitang may paghahambing sa itsura namin ng aking ina ay mas lalo akong nawawalan ng ganang pagmasdan ang mukhang meron ako.
Bago tuluyang lumabas, kahit papaano ay nag lapat parin naman ako ng liptint sa aking labi bago tuluyang itinali ang buhok into a messy hair look.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago tuluyang pihitin ang seradura ng aking pintuan bago tuluyang magtungo sa kinaroroonan ni Ken.
Hindi ko mapigilan ang sariling mapahanga sa ganda ng kanyang tindig at porma. Kahit simpleng damit ay nadadala nito ng maayos.
Nakatayo lamang ito habang nakatitig sa kanyang telepono saka lamang nawala ang atensyon nito ng dumating ako.
" U ready for the long road?" he asked while smiling at me
"I think so, tara na baka magbago pa isip ko" I answered bago tuluyang iwan ito, narinig ko nalamang ang mahinang pagtawa nito sa naging sagot ko hanggang sa sumunod na rin ito sakin papalabas ng pinto.
Pag labas pa lang ng pinto ay nasa harapan na ang kotse nito. Animo'y handang handa na para sa mahabang byaheng tatahakin.
Binuksan ko ang pintuan sa likuran, balak ko sanang doon nalamang maupo para kahit papaano ay makakatulog ako sa byahe subalit ng mapansin ng lalaki ang plano ko ay agad itong nag salita.
"Sa unahan kana umupo ng may kakwentuhan naman ako para di ako antukin sa pagmamaneho" saad nito ,napatingin naman ako dito ng seryoso, kelan ko ba siya kinausap ng matino?
"Sige ka pag ako inantok sa langit ang tungo natin imbis na sa La Union" biro pa nito, napailing nalamang ako saka tuluyang inilagay ang bag sa likuran saka naupo sa harapan katabi nito.
He's about to start the car when he snap out. May nakalimutan daw siya sa loob ng bahay na kailangang balikan.Hindi nalamang ako umimik at hinayaan ang lalaki
BINABASA MO ANG
When Dreams Become Reality
Roman d'amourMay mga pagkakataon sa ating buhay na minsan ay kay hirap paniwalaan, guguluhin ang sariling paniniwala mahanap lang ang katotohanan sa binuong ilusyon sa utak. Sa bawat pag higa sa kama kasabay pagpikit ng mga mata nandoon ang pag-aasam na muling...