Dear Diary, Ang Malling Na Masakit

569 20 0
                                    

And yes! We arrived na sa mall. Sina Christine and Liza, dumiretso agad sa mga shoe shops sa mall. And yes, you're right, nagpaiwan ako sa Starbucks. Sinabi ko, "me" time muna ako.

Nag-order ako ng isang Frapuccino, at isang box ng chocolate brownies. While eating, pasimple lang akong tumitingin sa paligid, if ever may makilala ako na nasa mall din.

And, hindi ako nabigo, parang may naaninag ako na pamilyar na mukha. Lalake, pero dahil sa malayo siya, hindi ko na makilala. And, parang may kaakbay na babae, sexy yung girl.

At, parang didiretso din sa Starbucks, kaya habang papalapit naaninag ko na ang mukha.

"Kenneth?!?!" Shock kong sabi habang papalapit si Kenneth.

And what I have found out was a complete tragic! May kaakbayan siyang girl, they look like a happy couple. Parang, ang hapdi sa dibdib. Sabay silang nag-order ng coffee at mga delicacies. I know, hindi kami, pero jealous na yung umiral eh.

Then, after they ordered, umupo sila at nagharutan. Mas lalong sumikip ang dibdib ko. Ang tanging nasambit ko lang sa isip ko "AYOKO NA!!!".

At iniwan ko na yung coffee at brownies ko sa mini table ng StarBucks at dirediretso na ako sa shoe shop na pinuntahan nina Christine at Liza. Sana hindi ako napansin ni Kenneth.

At hinanap ko muna sa buong shop sina Christine at Liza.

At salamat diyos! Nakita ko agad sila. Andaming bitbit na shopping bags.

Me: Kayo! Uwi na tayo! (Sabay hila ko kina Christine at Liza).

Christine: What's with the rush? May gusto pa akong bilhin.

Liza: Bakit ba gusto mo nang umuwi? Nabobored kaba? (Habang namimili ng sapatos).

Me: Please, ayokong mag-explain. Nawalan na ako ng gana.

Christine: Kadadating lang natin. Mga 30 minutes lang tayo dito, uwi agad?

Me: Kung ayaw niyo, magta-tricycle na lang ako.

Liza: (habang nagsusukat ng sapatos) Sure ka? Baka mapahamak ka pa eh.

Me: I can take care of myself.

Actually, ayoko talagang umuwi ng mag-isa. I just need to go home!

Christine: Eh di sige.

Me: Sige! Bye (padabog kong paglalakad papunta sa exit)

Mukha mang O.A tingnan, pero nawalan na talaga ako ng gana sa mall. Narealize ko, umaasa nga lang pala ako. I don't have any right para pigilan si Kenneth na makipag-GF sa iba. Wala kaming connections, okay?

At yan, after 3 minutes of walking, nakalabas narin ng mall. Still in a tragic feeling.
Pumara na ako ng tricycle para makauwi narin.
.
.
.
.
.
.
.
Okay, andito na ako sa bahay.

Me: Hi Ma (smile na fake).

Mama: Ahh. O, bakit andito ka na agad?

Me: Ayaw niyo po ba akong umuwi?

Mama: Hindi naman sa ganun, nak. Ang ibig kong sabihin, bakit sobrang aga naman?

Me: Pagod na po ako. Akyat nalang po ako.

Dumiretso na ako upstairs. Super sensitive ko talaga. Nagbihis narin ako ng comfortable clothes. And, I jumped to be bed agad.

At took my diary para naman may mailabas lang ako na kinikimkim inside of me.

Dear Diary,

This is the worst malling ever! 12:30am palang, pero I feel like it's 12:00midnight. I know, I am O.A! Pero, masama bang umasa? May batas na ba na hindi na pwedeng umasa? Alam ko, I have no rights para pigilan siya na makipag-date siya sa kahit sinong babae na nagugustuhan niya, pero ang hirap pigilan. To forget about this worst feeling ever, mag-siesta nalang kaya ako. Siguro, 40 minutes to be exact.

~XOJoanaXO~

Okay, matutulog na ako when my phone alerted that I received a message.

From: ChristineBestie <3

We're sorry hindi ka namin naihatid. I am or rather we are just so curious why you're in a hurry sa pag-uwi. Nagkaroon ka na ba ng period? Para ka kasing nakakaita ng multo. I hope you're fine :)

Hay... Hindi ko muna siya rereplyan, mamaya nalang after my siesta.

*zzzzzz....zzzzzz.....zzzzzz*

Diary Ng UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon