Dear Diary, What's With That?

334 7 3
                                    

~

Nakarating na kami sa destination namin, which is SM North EDSA. Gosh, sa buong biyahe, we're so quiet. Napaka well behaved! Wondering why?

"Talking to you always make me feel better."

Ang mga katagang, hindi ko sinasadyang sambitin. Pero, si Mr. Tongue, nagiging TONGUE-A din pa-minsan minsan.

"Uhm.. Where we going?" Tanong ni Kenneth na nasa right side ko. Lakas maka Dora the Explorer, noh? Haha. De joke lang.

"Ka-Kahit saan..." Whew! Kinabahan pa ako, putspa!

"You want Starbucks?" Alok ni Kenneth at tumingin sakin, specifically on my eyes. Medyo nailang ako, kaya binreak ko ang eye contact namin.

"Su-Sure." I answered, then inunahan ko siya papuntang Starbucks. Whew! That was close.

~
General POV

Nasa Starbucks na ang dalawa, at iniinom na ang kanilang SB coffee. Ngunit naiilang pa din ang dalawa sa sinabi ni Joana kanina nung nasa sasakyan pa sila, kahit hindi niya ito sinasadya.

Sobrang tahimik ng dalawa, at naisipan ni Kenneth na basagin ang katahimikan.

"Uhm.. Na-Nagawa mo na yung, homework mo?" Pambabasag ni Kenneth ng katahimikan, pero may ilang at hiya pa din ito sa pagsasalita.

"Oo-Hindi. Hi-Hindi pa." Parang nagulat na sagot ni Joana na ngayon ay patapos na sa iniinom.

"Are you okay?" Tanong ni Kenneth para maituloy ang usapan nila ni Joana. Tinanong pa niya ito, kahit alam na niya ang totoong sagot.

Bago makasagot si Joana ay tumingin-tingin pa ito sa paligid na tilang may hinahanap. "Of course. Kasama kita e-" Tinakpan niya agad ang bibig niya, pero huli na. Dahil nasabi na niya ang mga katagang yun, na pilit niyang pinipigilan.

"What did you say?" Painosenteng tanong ni Kenneth, kahit malinaw na malinaw sakanya ang sinabi ni Joana. Nagmamaangmaangan ika nga.

"Uh-Ah, wa-wala. Wag mo ng intindihin yun!" Palusot ni Joana at bumawi ng tingin kay Kenneth at lumingon sa isang couple na nagkiss, pero smack lang. Na-OP siya sa isang hindi maipaliwanag na dahilan.

Napansin ito agad ni Kenneth, kaya naisipan niya itong tanungin.

"Jo, nagka-boyfriend ka na ba?" Tanong ni Kenneth ng mahina. Lumingon naman sakanya si Joana, at nagsmirk na malungkot.

"Never. Like, never ever evah! NBSB ako eh. Wala akong firsts. No first kiss, no first hold hands, no first couple hug, and no first experience." Malungkot na saad ni Joana sa tanong ni Kenneth.

Hinawakan naman ni Kenneth ang kamay ni Joana, at tiningnan ito ng sinsero. Kaya nagulat naman si Joana.

"Mahal kita. I don't care what others think. Ang importante ngayon, ang malaman mo na mahal kita. Kaya, Joana?

Pwede bang manligaw?"

==========

Sorry kung nabitin kayo.. Pagod lang ako, so sorry.. Very short UD :(

~jeanellediana

Diary Ng UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon