Oh yes. Pagkatapos ng isang makabuluhang klase, ay dumiretso ako sa kwarto habang umiirit ng sobrang lakas. Napansin ko din, na parang narinig ito ng mama kaya pumasok siya sa kwarto ko.
Mama: Anak, ayos ka lang?
Me: Hindi lang ayos, ma. Super duper ayos! (Habang nilululon ang mukha sa unan)
Mama: Sigurado ka? Bahala ka. Gutom ka ba?
Me: Juice nalang, ma. Thanks!
Mama: (lumabas ng kwarto) Sige.
Syempre, hindi ako makapaghintay na makapag-update sa diary ko.
Dear Diary,
Mukhang concern ang Kenneth ko sakin. It means, ayaw niya akong nalulungkot. Ang caring niya, talaga. Sana, yun na yun!☺️
~XOJoanaXO~
Pagkatapos kong mag-update ay nag-ring ang cellphone ko. For sure si Liza to, lolokohin ako nito.
From: LizaBestie <3
Girl, ang haba ng hair mo. Nagkausap lang for the first time kayo ni Kenneth, hiningi agad ang # mo! Gusto daw makipag-friends sayo.
Ano bang pinagsasabi nitong si Liza. Anong number? E, hindi nga natuloy ang moment namin kasi umeksena tong si Liza. Tanungin ko kaya to.
To: LizaBestie <3
anung hiningi # ko, e wla nga cnabi. umay0s k dyan.
*sent*
*2 minutes...*
From: LizaBestie <3
Knina kase tnanung nya skin sa skul kung may # ba ikw skin. bgay ko. nagtxt n ba?
Huh? Ganon ba talaga ka-friendly ni Kenneth? Kakikilala lang ako, hiningi agad ang number ko? Hay, Joana, hayaan mo na. atleast, may communication na kami. YEEES! Teka, hindi pa siya nagtetext.To: LizaBestie <3
Best, d pa sya nagtetxt.
*sent*
*1 minute*
From: LizaBestie <3
Yaan mo, best. mya txt yan. asa lng. hehe XO
Ito talagang si Bestie. Buti naman at binigay niya ang number ko. Thanks a lot, bestie! :)
At bumukas ang pinto nakita ko si mama dala dala ang juice na hiningi ko :) SEEERAAAP!
BINABASA MO ANG
Diary Ng Umaasa
Teen FictionAko si Joana Magdangal. Tunghayan ang aking buhay Diary-Writer. At buhay bilang isang UMAASA. ❤️❤️❤️