Dear Diary, I'm Ready To Face the Reality

519 18 1
                                    

Okay, so ginising na ako ni Mr. Alarm Clock.

*KRING...KRING...KRING*

5:30AM ko kasi inalarm eh. Yung pasok ko, 8:00AM. Buhay 5th year highschool naman eh. Andami ko na ngang pimples eh. Yung isa katutubo lang.

Tumayo ako na parang I need 4 more hours na tulog. Lazily na bumaba papunta sa dining area para makapag-breakfast na. Nakita ko si mama na nagpi-prito ng B.A.E ang usual almusal namin, hehe XO.

Me: Goodmorning, ma (sabay inat).

Mama: (sabay tingin sakin) O, Joana. Upo kana, nak dun at patapos nako dito.

Me: (sabay upo sa upuan) B.A.E po yan no, mama. Amoy eh! Hahaha.

Mama: Oo, sanay na tayo sa B.A.E eh. Hahaha!

Me: Gutom na po ako, ma. Tapos na po ba yan?

Mama: Ayos na! (Sabay lagay ng bacons and eggs sa plato).

Me: Wow.. Ang bago ng B.A.E niyo, ma. Hahaha!

Mama: Hahaha! Oo nga. (Sabay lagay ng mga plates at utensils sa lamesa).

Me: (kuha ng B.A.E)

Mama: Nak, musta ka? (Sabay upo)

Me: Huh? Musta? Ehh. Kasama niyo naman po ako 24/7 (sabay subo).

Mama: (chewing) Kahit na, nak. Malay ko naman, may sikreto ka sakin, diba?

Me: (chewing) Wala po akong sikreto sayo, ma. Wala po. (Subo)

Mama: (sabay subo) Sige. Ano, ready ka na for school?

Me: (chewing) Opo, mama. Kaya na, ma.

Mama: Sige, tapusin mo na yan. (Subo)

Me: (subo) Sige, ma.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako at naligo ng 20 minutes. Dumiretso na din ako sa kwarto ko para magbihis ng aking school uniform. Pinatuyo ko din muna ang buhok ko at sinuklay. Inayos ko din lahat ng books at notebooks ko sa bag.

And then, kinuha ko ang diary ko at nag-update muna ako.

"Dear Diary,

Ayan na, isa nanamang makabuluhang istorya ang magaganap sa eskwelahan. Gabayan sana ako ni Lord kapag nakita ko nanaman si Kenneth, my labs paba? Hay. Girlfriend ba talaga niya yung nakita ko sa Starbucks? May GF na ba siya? Kung meron kasi kalat na sa buong campus na meron nang GF ang 'Ultimate Hearthrob' ng school. Sana wala pa. Sana may chance pa ako. Ewan ko pa nga kung kilala niya ako. Ay bahala na! Papasok na ako. Magpapahatid na ako kay Manong Driver.

~XOJoanaXO~"
.
.
.
.
.
.
At bumaba na ako ng tuluyan.

Mama: (beso sakin) Bye, anak. Ingat ka sa school!

Me: Sige po, mama. Bye po!

Mama: (abot sakin ang 330 pesos kong baon) Eto oh. Baon mo. Kain ka ng maayos, ah.

Me: Sige po. Thanks, ma. (Beso ulit kay mama)

Mama: Welcome, nak. Dali, 7:10am na alis ka na baka traffic pa.

Me: Tama, mama. Alis na po ako! (Sabay labas na ng bahay)

Mama: (kaway ng 'bye')

At sumakay na ako ng kotse.

Hay. Naisip din ng utak ko ang "REALIZATION". Sa mga quotes lagi, ang mga magulang mo lang ang magmamahal sa iyo ng totoo. Oo, feeling ko yun na ang pinaka-totoong nabasa ko na quote. Kasi, come to think of it, sila yung nagbibigay comfort satin when we need it. Kapag may problema, sila ang karamay. Yan tuloy, hindi ko namamalayan tumulo na pala ang luha ko.

M.Driver: Mam Joana, umiiyak po ba kayo? (habang nakatingin sa may salamin)

Me: (punas ng luha) Ahh. Napuwing lang po, manong.

M.Driver: Ganun po ba, sige ho. (Sabay balik ulit ang focus sa driving).

Hay. Minsan panira talaga ng trip si Manong Driver.

After 10 more minutes, ibig sabihin 7:20am na. Andito na ako sa school!
Pinagbuksan ako ng pinto ni Manong Driver.

M.Driver: Ingat po, Mam Joana. (Smile)

Me: Salamat, po. (Smile)

Okay. May stairs kasi sa school ko, kaya tumaas ako. Nakita ko si Manong Guard, at yung janitress namin na si Aling Nena. Syempre, nakita ko nanaman ang mga bestfriends kong mga bruhilda, sina Christine (Liza Soberano) at Liza (Yassi Pressman).

Christine: Hi. Sorry hindi kita naihatid ah. Galit ka ba samin?

Me: Hindi. Sabihin nalang natin na may nakita akong hindi maganda. (Fake smile)

Liza: Ano ba kasi yun, Joana? Share naman. (Smile na parang excited)

Ano? Dapat ko bang aminin? Baka, tuksuhin lang naman ako ng dalawang to eh. Teka, besties ko to, no. Dapat walang lihiman! Sige, try ko.

Me: One question.

Liza: Ano yun?

Me: Diba, malimit kayong tumatambay dun sa mga "Gossip Girls" na yun?

Christine: Oo, araw-araw.

Me: May.........

Ayan na! Kaya mo to Joana! Kayang kaya mo!

Me: May girlfriend na ba si Kenneth? (Sabay pikit)

Christine: Bakit mo natanong?

Liza: Wala, bakit?

Nagulat ako sa mga sagot nila. WALA? As in, WALA TALAGA?

Me: Wala? Sure kayo as in wala talaga? (Tingin ko sa kanila simultaneously)

C&L: WALA!

Me: Kung wala sino yung nakita kong kaakbayan niya sa Starbucks noong Saturday? Mukhang sweet at happy sila eh.

Liza: Sino?

Christine: Hala. Baka meron nga!

Oh no. Baka...

Janice (ang leader ng gossip girls): OMMMMYYYHHGGGGGGGGGGG!!!!!!!

Napalingon kaming tatlo sa sigaw ni Janice. Ang leader ng gossip girls.

Me: Bakit?

Janice: (may pinakitang litrato) Take a look! OMG!

Nagulat ako sa nakita ko, picture ni Kenneth at yung girl na nakita ko sa Starbucks noong Saturday.

Me: Anong ibig sabihin niyan?

Janice: GF niya si Allie Mendez!

Christine: Sino si Allie Mendez?

Janice: Hindi niyo kilala si Allie? Siya yung anak ng owner ng super sikat na kumpanya sa buong Pilipinas!

Liza: So, si Allie Mendez ang GF ni Kenneth? (Sabay tingin kay Joana)

Janice: Precisely! Ang cute nila oh. (Habang tinitingnan ang litrato)

Me: Oo, nga... Ang cute nila. (Sambit ko in a very sad tone)

Grabe, confirmed na. May GF talaga si Kenneth Marasigan.

Liza: Okay ka lang? (Sabay pispis sa likod ko)

Me: Bakit naman ako di magiging okay, hindi naman niya ako kaano-ano.

Christine: Sige.. Tara may klase pa tayo.

At sumabay na ako sa kanila papuntang klase.

Diary Ng UmaasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon