Chapter [11] Unexpected

94 6 4
                                    

Pakiramdam kong nanigas ang buong katawan ko dahil sa isang pamilyar na boses na narinig ko.  

"A-ate..." 

Hindi-- hindi maaari. Bakit? Patay ka na .....

"Mo-molly?" Halos mahimatay na ako sa nakikita ko kung panaginip lang to, please! Sana magising na ako. Agad akong napapitlag dahil sa kamay na naramdaman ko sa balikat ko. 

"Oy, anong ginagawa mo dito?" Agad na sumalubong sakin ang maamong mukha ni Joshua. 

"A-ah, ano..." Tumingin ako ulit kung saan nakita ko ang kakambal ko pero wala na siya dun. Kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. 

"Okay ka lang ba? Namumutla ka eh." Pag-aalala ni Joshua at hinawakan niya ang kamay ko. 

"Don't mind me." Tipid kong sagot. Hindi parin ako makapaniwala dahil sa nangyari. 

"Are you sure?" Tumango na lang ako dahil gusto ko na talagang umalis dito sa kwartong ito. Lalabas na sana ako ng makita kong pinulot ni Joshua ang yearbook na hawak ko kanina. 

"What's this?" Nakakunot na tanong niya sa sarili. Agad akong lumapit sa kanya para sabihing umalis na dito. Natatakot parin ako. 

"Let's go na. Mag-gagabi na." Sabi ko sa kanya habang hinihila ang kanan niyang kamay. Agad naman niyang inilapag ang yearbook at tuluyan na kaming umalis.

SARAH'S POV

Nagmamadali akong naglalakad palabas ng gate ng school dahil magpapaalam pa ako kay Mama tungkol sa fieldtrip. Hindi muna ako sasabay kay Mandy ngayon. Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako para tignan kung sino yun. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko ng bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni David. 

"Hey. Sasama ka ba sa fieldtrip?" Nakangiti parin siya habang sinasabi niya yun. Kaya mas lalong nagwawala ang puso ko. Ano ka ba naman puso! Bakit? 

"O-oo." Tipid kong sagot. Mas lalo namang umaliwalas ang mukha niya dahil sa sinabi ko. 

"Talaga? Mabuti naman kung ganon." Mas lalong nagliwanag ang aura niya. Nakakasilaw!

"Sige una na ako." Normal na pagkakasabi ko pero alam kong cold pag dating sa iba. Kailangan ko na talagang magmadali. 

"SARAH!" Napatingin kaming dalawa ni David dahil sa may tumawag na naman sakin. Si Mandy pala. Waah! Kailangan ko na talagang umalis. Papalapit na siya sa amin at kasunod niya si Joshua na nakapamulsa habang naglalakad.

"Yey! Sasama ka na!" Masiglang turan ni Mandy, pero parang may mali sa mga ikinikilos niya. May nangyari kaya?

"Oo, kaya kailangan ko ng umalis kaagad para makapagpaalam na kay Mama." Sabi ko kay Mandy at agad namang lumungkot ang itsura niya. 

"Oh I see. Sige ingat ah! Basta tabi tayo." Masiglang sabi niya. Kaya umalis na ako kaagad. 

--------------------------------

Pagpasok ko ng bahay agad na tumambad ang nakakabinging katahimikan. Nagsisimula ng dumilim sa labas pero ang ilaw dito sa loob ay nakapatay pa. Kaya agad akong umakyat sa kwarto ni Mama. 

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon