Chapter [2] Hello Michelle

138 8 0
                                    

Kahit konti lang po ang mga readers ipagpapatuloy ko parin ang istoryang ito :) 

Thank you po pala sa mga nagtiyatiyagang bumasa ng story ko pasensya na kung waley ah. 

~ Vaness

****

"Michelle!" 

Tumigil siya sa pagkanta at lumingon siya sakin.

"Tara! Umuwi na tayo naghihintay na si Mama." 

Sumunod naman siya sakin. At maya maya may narinig na naman akong nagbubulungan. 

"Look! Tignan mo may kinakausap na naman siya." 

"Yeah ~ Mukhang baliw na talaga siya."  

Napatigil naman ako sa narinig ko at saka lumingon sa kanila. Agad naman silang nataranta at tumakbo paalis. 

*Sigh* "Okay lang yun Michelle, wag mo nalang silang pansinin." 

At nagpatuloy na kami sa paglalakad.

Pagka pasok ko sa bahay agad kong naamoy ang niluluto ni Mama.

"Hmm. Adobo!" 

At agad akong dumiretso sa kusina at umupo kaagad sa may lamesa sakto dahil naghahain narin si Mama. 

Habang kumakain kami. Agad na may tinanong sakin si Mama.

"Kumusta ang pag-aaral mo?" 

"Okay lang naman po." At nagpatuloy na ako sa pagkain ko.

Natahimik sandali si Mama at nagtanong uli sa sakin.

"Ahhm, kumusta naman si...... S-Si Michelle?" 

Napautal si Mama sa pagkabanggit ng pangalan ni Michelle. Alam ko kasi na hindi siya naniniwala na talagang may isa akong kaibigan na hindi nila nakikita. 

Nagkaroon muna ng konting katahimikan bago ko siya sinagot.

"Okay lang naman din po siya." 

Tipid kong sagot at tinignan ko si Michelle, naka tayo siya sa may sulok kung saan medyo madilim.

Pagkatapos naming kumain ni Mama agad akong pumunta sa kwarto ko para magawa agad ang mga assignments ko. After kong gumawa ng mga assignments nanuod na lang ako ng isang horror movie. 

Sa tuwing nanunuod ako ng horror pinapatay ko lahat ng ilaw ko sa kwarto ko. Komportable kasi ako kapag pinapatay ko ang mga ilaw. 

"Buti pa sa mga horror movies nasusulusyunan nila ang mga problema ng mga spirits kung bakit hindi sila matahimik. Ikaw Michelle ano ba talaga ang pakay mo? At bakit sakin ka lang nagpapakita?" 

At sabay tumingin ako sa kanya. Katabi ko lang si Michelle. Tumingin lang siya sakin na blanko ang ekspresyon niya. Pero kahit ganun inosente parin ang itsura niya at maganda parin siya. Mala anghel ang kanyang ganda. 

"Hello Sadako! Where's your imaginary friend?" 

Bungad kaagad sa akin ni Jessica na kakapasok ko lang ng room. 

Hindi ko lang siya pinansin at dirediretso akong pumunta sa upuan ko. 

"Wow! Suplada!" 

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon