Chapter [4.2] Hello Mandy

113 7 0
                                    

========^O^========

A-Ano yun? Bakit ngayon ko lang yun napansin?! 

May anino sa likod niya. 

Tumaas ang mga balahibo ko sa napansin ko. 

Hindi Sarah, baka namamalik-mata ka lang. 

Kaya di ko na muna tinuon ang pansin ko doon sa likuran niya. Mamaya, sabihan na naman ako na nababaliw na. 

Pinaupo na siya ng teacher  namin sa likuran malapit sa may pintuan. 

Malayo siya sa kinaroroonan ko. 

Nagsimula ng mag-discuss ang teacher namin. 

*KRINGGGGGGGG!!*

"Okay class dismissed." 

Nagsimula ng magsilabasan ang mga classmate ko. 

Ako? Ganun parin. Nakaupo parin ako. Nang mapansin kong umalis narin si David. 

Nakita ko yung transferee na lumabas na din. Nakasunod parin sa kanya yung anino. 

Tumataas parin ang balahibo ko sa tuwing nakikita ko ang aninong nasa likuran niya. 

Sino yun? O ano yun? 

Wala sanang masamang balak ang espirito na yun sa kanya. 

After ng klase namin dumiretso muna ako sa cr. Medyo naiihi narin ako. 

Sumilip muna ako baka may tao. Pero buti na lang wala. 

Naalala ko tuloy ang nangyari sakin dito sa cr na ito. Nung 1st year highschool palang ako. 

*FLASH BACK*

Pumunta rin ako noon sa cr para umihi. Nakita kong may dalawang babae na nakaharap sa salamin at nag-aayos ng kanilang sarili. 

Dumaan ako para makapunta dun sa cubicle na nasa dulo. 

Nagulat na lang ako ng bigla silang nagsisigaw. 

"Waaaaaah! Ghost! Somebody help?!" 

"Huwaaaaaa! M-Multoooooooo!" 

Napatigil ako sa kanila. Ako pala ang tinatawag nilang multo. Hayyyysss (-__-") 

"T-Teka. Hindi ako multo." 

Sinasabi ko sa kanila 'yon. Pero unti-unti silang umatras at tumakbo na palayo. 

Nakita kong naiwan rin nila yung face powder at isang lipstick. 

Kinuha ko 'yon at lumabas sa cr para ibalik sa kanila pero. Hindi ko na sila nakita. 

*END OF FLASH BACK* 

Pumunta na ako sa cubicle, na nasa dulo. 

Lalabas na sana ako nung may narinig akong pumasok. 

Di muna ako lumabas. Mamaya matakot rin siya pag nakita ako. 

Narinig ko ang pagbukas ng gripo. 

Binuksan ko ng kaunti yung pintuan ng cubicle para malaman ko kung sino 'yon. 

Nagulat ako ng makita kong si Mandy pala yun. Nakasunod parin sa kanya ang anino. 

Bigla naman nag-ring ang cellphone niya. 

Tinignan niya muna kung sino ang tumatawag. Nagtaka ako ng biglang lumungkot ang itsura niya.

"Hello? Ah, yes okay lang naman dito." 

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon