Chapter [9] This Feelings

97 5 1
                                    

MANDY'S POV

"Oy! Nabalitaan niyo ba yun? Yung nangyari kay Rhea?"

"Yeah. Grabe! Nakakakilabot!" 

"Uhuh, at alam niyo ba sinakal niya si Sarah!" 

"Haha. Bagay nga yun sa kanya eh. Para matuluyan na."

"Dikit ng dikit kasi kay David kaya ayun tuloy." 

"Hahahahaha."

Tsk. Eto na nga ba ang sinasabi ko. 

Hindi ko na lang pinansin ang mga bulong - bulungan tungkol sa nangyari noong nakaraang araw.

Agad na akong dumiretso sa loob ng classroom. 

Bakit ang daming tao?

Maraming mga estudyante ang nagkukumpulan sa harap ng classroom namin.

Bakit ano bang meron?

Laking gulat ko ng matagpuan kong pinaliligiran ng mga kaklase ko si Sarah. Kasama na ang grupo nila Aimee.

"Hoy! Magsabi ka nga ng totoo freak! Ikaw siguro ang may dahilan kung bakit nagkaganun si Rhea no?!" 

"Freak ka talaga! Pinaplano mo sigurong mapahamak kaming lahat no?!"

"T-Teka, hindi ako --"

"Wag ka ng magmaang - maangan pa! You liar!" - Aimee

Akmang sasampalin na siya ni Aimee kaya agad ko siyang pinigilan.

"What the hell?!" 

Hawak ko ang kamay ni Aimee kaya pinilipit ko ito. 

"Ahhhhhhhhh!" 

Bigla siyang namilipit at mangiyak ngiyak sa sakit pero hindi ko parin binitawan yung kamay niya. 

"M-Mandy! Anong ginagawa mo?!" 

Naguguluhang tanong ni Sarah. 

"I will not let them to hurt you!" 

Ibinaling ko kaagad ang atensyon ko kay Aimee na hindi na kayang indain ang sakit sa pagkakapilipit ko sa kanya. 

"Kyaaaaaa! Aimeeee!" Tss. Nakakainis rin 'tong mga kaibigan niya.

Naiinis ako sa mga ganitong klase ng tao. Hindi ako papayag na apihin nila si Sarah ng wala namang ginagawang masama.

Nagulat ako ng biglang may umalis ng kamay ko kay Aimee. 

"J-Joshua?!" 

Ano bang ginagawa niya?! Sino ba 'to para pigilan ako?!

"Ano ba?!" 

Sinamaan ko siya ng tingin. 

Wala lang siyang ekspresyon nung tumingin ako sa kanya.

"Hindi ito masusulusyunan kung makakapanakit ka." 

Argh! I'm holding my grip to this guy!

"Mandy hindi mo ito kailangang gawin."

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon