Chapter [12] Suspicions

66 3 2
                                    

DAVID’S POV

Komportable lang akong nakaupo sa kinauupuan namin ni Joshua habang kumakain ng Nova. Nasa may bandang bintana din ako. Nakipagtalo pa nga ako kay Joshua para lang sa pwesto na’to. Gusto ko talaga sa bintana para makalanghap ng sariwang hangin.

Nagtaka naman ako ng biglang tumahimik sa loob ng bus, napatingin ako kay Joshua para magtanong pero nakita ko na seryoso ang mukha niya na kanina ay namumula at seryoso ding nakatingin sa harapan.

Sumilip na din ako kung ano ang nangyayari at laking gulat ko na nasa harapan ng bus si Rhea habang katabi ang aming adviser. Nakangiti siya at di bakas sa kanya ang mga nangyari noong nakaraan. Agad naman akong lumingon kay Sarah. Tsk! Nakakainis di ko siya Makita. Alam kong pati siya ay nagtataka at nagulat sa mga pangyayari ngayon.

Ang ibang mga kaklase ko ay nagbulong-bulungan habang ang iba naman ay tahimik at nakatingin lang sa kanya.

“Ehem!" Agad na nakuha ng atensyon namin, ng tumikhim ang aming adviser. 

"By the way. Hindi ko pala nasabi sa inyo na makakasama natin si Rhea ngayon." Seryoso ang aming guro habang lahat kami ay nakikinig lang. 

"Class, just please... Treat her well." Parang nagmamakaawa ang boses ni Mrs. España sa amin. Dahil narin siguro sa nangyari noong mga nakaraang buwan. Alam ko na kung ano ang mga mangyayari lalo na't pag pumasok si Rhea. At sa mismong araw talaga ng fieldtrip. Nakapagtataka.

"Mrs. España, it's okay. Don't worry about me." Hindi parin maalis ang ngiti sa mukha niya. Na nagbigay kilabot sa akin.

Nagsimula na siyang maglakad. Habang naglalakad si Rhea ay sinusundan siya ng mga tingin ng aking mga kaklase. Maski ako ay hindi ko maiwasan. Naupo siya sa pinakadulo ng bus bandang kanan. Ang tanging bakanteng upuan. 

"Okay so class be ready!" Sigaw ni Mrs. España. Dahilan para bumalik na kami sa kanya kanya naming ginagawa. Pero hindi na katulad kanina na halos mabingi ka sa ingay. 

Nag start na ang makina ng bus pero bago kami umalis ay nag pray muna kami para sa ligtas na byahe. 

SARAH'S POV 

Rhea ... 

Nakatulala ako sa kawalan ng malaman kong kasama si Rhea. Naalala ko kung gaano kasakit ang pagkakasakal niya sa akin. Pero bakit ngayon pa siya nagpakita? At sa mismong araw ng fieldtrip. 

Hindi ko maiwasan ang di mapaisip. Sa kabila ng nangyari ay parang wala lang sa kanya. 
Agad akong napabalik sa aking sarli ng maramdaman ang kamay ni Mandy sa aking balikat. 

"Ayos ka lang?" Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Kaya tumango na lang ako kahit na alam kong hindi. 

"Nakapagtataka, bakit ngayon siya nagpakita? At sa mismong fieldtrip pa." Mahinang bulong ni Mandy. Habang ako ay nakatingin lang sa bintana. Maski ako Mandy. Hindi ko alam... Hindi ko alam.

Nakatingin pa rin ako sa bintana. Malayo na kami sa syudad, at tanging malawak na lang na kapatagan at sari-saring puno ang aming nadadaanan. Nang mahagip ko si Michelle sa isa sa mga puno. Nakatayo lang siya at malungkot ang kanyang mukha. Nang madaanan na namin ang puno kung saan siya nakatayo ay bigla siyang naglaho. 

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon