Chapter [1] Hello Freak

165 6 0
                                    

Mahaba at Maitim ang aking buhok. 

Laging natatakpan ng buhok ang mukha ko. 

Maputi ang aking balat. 

Lagi akong nag iisa, walang kausap. 

Mailap ako sa kapwa ko estudyante. 

Sadako ang minsang itinatawag nila sa akin. Dahil sa buhok ko na kulang na lang buong mukha ko ang tabunan. 

Pero kadalasan Freak ang lagi nilang tawag sakin. 

Ayokong ipakita sa kanila ang aking mukha dahil alam ko na sumbat lang ang maririnig ko galing sa kanilang mga bibig. 

Kasalukuyang nag aaral ako ngayon sa Sta. Minerva National High School. At kasalukuyan ding nasa 3rd year High School. 

Konting tiis na lang at makakaalis din ako dito sa eskwelahan na ito. At magpapakalayo layo ako.

Mag sisimula na ako ng bagong buhay sa ibang lugar kung saan walang nakakakilala sa akin. 

Pero ngayon titiisin ko muna. 

"Psst. Oy, tabi nandito na uli si Freak." 

Alam kong bulong lang yan pero rinig na rinig ko pa rin. Pssh. Sanay na ako. Simula elementary pa lang ako naririnig ko na yan. 

Sa tuwing naglalakad ako halos lahat ng mga estudyante tumatabi ayaw nilang lumapit sakin dahil baka daw malasin sila. 

Alam kong di yun totoo, mga tsismis lang yun ng mga walang magawa sa buhay. 

Kaya yumuyuko na lang ako kapag maraming taong nakapaligid sa akin. 

Pumasok na ako kaagad sa bago kong room. 3-A parin ang section ko.

Gaya ng inaasahan ko tatahimik sila kapag nakita nila ako  na classmate nila. 

Kaya agad na akong humanap ng upuan sa likod. 

"Di ko akalain na classmate na naman natin ulit siya. My God! Sawa nako!" 

"Mukhang mamalasin na naman tayo ngayong taon." 

"Hahahaha! Yeah right!" Sabay nag apir silang tatlo. Si Aimee, Jessica at Karen. 

Tinignan ko lang sila. At napansin din nila ang pagtingin ko sa kanila kaya umiwas sila ng tingin sa akin at tinuloy na lang nila ang kanilang pinag-uusapan. 

Maya maya nagsidatingan na ang mga iba ko pang kaklase at dumating na din ang adviser namin. 

"Okay class! I'm Mrs. Espana, I will be your adviser for this school year. I hope na magkakasundo sundo tayong lahat. Bago tayo magsimula siyempre ipapakilala niyo din ang mga sarili niyo." 

Maraming nag-react sa sinabi ng teacher namin pero nagpakilala parin sila. Inumpisahan muna nila sa unahan kaya matagal tagal pa ako kasi nasa likuran ako. 

Malapit na ako pero bago muna ako yung katabi ko munang lalaki ang magpapakilala. 

Pumunta na siya sa harapan at nagsimulang magpakilala. Yung ibang babae halatang kinikilig lalong lalo na yung grupo nila Aimee. Psh. (-__-")

Di naman ipagkakaila na gwapo talaga siya. 

"Hello, everyone my name is David Martisano it's nice to meet you." 

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon