Chapter [6] The Past

116 4 0
                                    

=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=

"Mandy sa'yo ko lang 'to sasabihin. Buong buhay ko wala pang nakakaalam nito. Kahit mga mga magulang ko. Ang dahilan ay ....." 

Nakatingin parin ako kay Sarah.

Hinihintay ko lang ang mga susunod pa na sasabihin niya.

Kahit maingay na dito sa loob ng gymnasium, tinuon ko talaga ang pansin ko sa kanya. 

Para mas lalo kong marinig ang mga sasabihin niya. 

Sa totoo lang gusto kong sumigaw para tumahimik sila. Para mas lalo kong marinig ang sasabihin ni Sarah pero hindi ko pwedeng gawin yun. 

Napansin kong tumingin muna sakin si Sarah.

"Mandy, w-wag mo sana akong layuan kapag nalaman mo na ang totoo tungkol sakin."

Tumango ako at hinawakan ang mga malalamig niyang kamay. 

"Wag kang mag-alala Sarah. Hindi kita lalayuan. Kahit ano pa ang malaman ko." 

Nung una akong pumasok dito. Nagtataka na ako sa simula pa lang na kung bakit siya tinatawag na freak. 

Wala naman akong mapuna sa kanya. Maliban na lang sa buhok na lagi niyang tinatakpan sa mukha niya. 

Nagbuntong hininga ulit siya at nagsalita na.

"G-Ganito kasi yu---"

Lumaki ang mga mata ko ng makita kong tumama ang bola ng basketball sa ulo ni Sarah. 

Agad ko siyang nilapitan. 

W-Wala na siyang malay. 

Agad akong napatingin ng masama sa mga nag ba-basketball. 

Nakita ko si Adrian na nakipag-apir kay Joshua. 

Mga tropa din yan ni Aimee. 

Nakangiti naman ng nakakaloko si Aimee.

Nakakainis! Mga walang magawa. Wala namang ginagawang masama si Sarah sa kanila. 

Di ko na napigilan ang emosyon ko at sumigaw ako ng malakas upang makuha ang atensyon ng mga kaklase ko. 

Lalo silang tumahimik. Maging ang PE teacher namin nakatingin na sa amin. 

Nakapatong ang ulo ni Sarah sa mga hita ko. Wala parin siyang malay. 

"Mga walang modo!! Anong ginawa sa inyo ni Sarah para ganituhin niyo siya?! Ha?! Sabihin niyo?!" 

Nangingilid na ang mga luha ko sa mga sandaling iyon. 

Tama naman ako ah! Kahit ngayon ko lang nakilala si Sarah. Alam kong wala siyang ginagwang masama.

Lalong umalingawngaw ang nakakabinging katahimikan. 

Walang nakapagsalita sa kanila.

"Ano? Bakit di kayo makasagot?! Tama ba ako hindi ba?!" 

Sinimulan ko ng buhatin si Sarah. Gamit ang sarili kong lakas. 

Dadalhin ko na siya sa clinic. 

Agad namang kinuha sakin ni David si Sarah at tuluyan ng dinala sa clinic. 

Seryoso ang mukha ni David pero halatang pinipigil niya ang galit niya.

Tumingin naman ako kay Aimee. 

Hello, My Name is Sarah (The Freak Girl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon